Chapter 2

14 1 0
                                    

Monday na naman, meaning , may pasok ako sa SGC ( Salazar Group of Companies). Naalala ko na naman yung sinabi sa akin ni Mr. Lee.

"Gusto mo bang gumanti sa naging dahilan ng pagkamatay ng pinakamamahal mong tatay?"

"Gusto mo bang gumanti sa naging dahilan ng pagkamatay ng pinakamamahal mong tatay?"

"Gusto mo bang gumanti sa naging dahilan ng pagkamatay ng pinakamamahal mong tatay?"

"Gusto mo bang gumanti sa naging dahilan ng pagkamatay ng pinakamamahal mong tatay?"

Paulit-ulit yang tumatakbo sa isip ko. Simula noon ay di na ako mapakali. Hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin yung sign na hinihingi ko. sigh

Heto ako ngayon, nagdadrive papunta sa trabaho ko. Wala talaga akong ganang pumasok ngayon dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Mr. Lee. Nakaapekto talaga ito sa akin dahil sa patungkol ito sa pagkamatay ni dad na hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa aming magkapatid. Hindi sana ako papasok ngayon pero dahil sa tinawagan at pinakiusapan ako ni Mr. Lee ay napilitan akong pumasok.

Heto na ako ngayon sa parking lot upang ipark ang aking kotse at papunta na sa opisina ni Mr. Salazar.

Pagpasok ko sa opisina ni sir ay nadatnan ko siyang nakaupo at nagbabasa ng mga kung anu-anong papers.

"Good morning sir!", bati ko

"Have a seat" sabay turo niya sa upuan katapat ng working table niya, naglakad na ako at sinunod ang utos niya. Noong makaupo na ako, bigla siyang nagsalita

"I have something to tell you.."

"The company is at the stage of crisis now. Our gross rate goes down, hindi naman siya ganoon kababa pero hindi ako komportable na nasa ganoong stage ang kompanya right now.."

"Now, I want you to do some actions para bumalik sa dati ang Gross rate natin. Understand?" nagulat ako sa sinabi ni sir 0.0

"Pero sir, dapat po COO ang kinausap niyo at hindi po ako, secretary niyo lang po ako. Bakit po ako?"

Silence...

"It is because I trust you more than I trust the COO of this company" 0.0 Eh? Ano daw?

"ano po?" gusto ko ipaulit baka kasi mali lang ako ng rinig

"I said I trust you" EH???! I trust you daw?! meaning! hindi ako mali ng rinig kanina

"You may go now ms. secretary. Do your job well!!" ngye! hindi pa nga ako nakakarecover from this state of shock eh pinapaalis na ako >.<

No choice, tumayo na ako, you may leave na nga daw eh! Pero noong malapit na ako sa may pinto ay bigla siyang sinabi

"Pumunta ka na sa COO at sabihin mo na ikaw ang nirefer ko na tao para solusyunan ang problema ng kompanya. Siya na ang bahalang magbigay ng mga kakailanganin mo, wag mo ring kalimutang magreport sa akin everyday tungkol sa progress ng gross natin. Good Luck!" nginitian ko lang siya tapos ay lumabas na ako para puntahan naman ang COO.

Maya-maya pa ay nandito na ako sa harap ng pinto ng opisina ng COO at may nakalagay na name plate sa may pinto

Mr. Sander de Vera

Chief Operating Officer

"hayy.. nandito na pala ako" nag release muna ako ng deep breath at hinawakan na ang knob para mabuksan yung pinto..

Pagpasok ko ay nadatnan ko ang isang lalaking naka-business suit at nakaupo habang nagbabasa ng mga papeles. Hindi ko masyadong makita yung mukha nya pero mukhang ka-age ko lang sya..( A/N: wag papakasiguro, maraming namamatay sa maling akala.. haha!! singit lang!)

"Good morning Mr. -- uhm.. de Vera right? ako po yung nirefer n Mr. Salazar para mag-take actions sa pagpapalago ulit ng gross rates ng kompanya" pagkasabi ko noon ay tumingin sa akin si Mr. COO so I have the chance para makita ang fez niya..

Uy, may itsura, tama nga ako, halos parang ka-age ko siya.. Pero parang familiar siya sa akin, parang nagkita na kami somewhere..

Nagisip muna ako saglit at napagtanto ko-- OMG!!! Siya yan?!! Siya ba ang COO dito!! shi*t!! malas nga naman oh!!

A/N: ahem!! sino kaya yung COO na yun at bakit parang nashock ang ating bida sa nalaman niya??

hahaha! pabitin?!

Announcement lang po! matatagalan po bago ako makapag update ulit.. busy po ako eh! yun lang..

Spy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon