Nakarating na rin ako dito sa SAC (Secret Agents Company), Dali dali akong pumasok sa loob at pumunta sa office ni Mr. Lee pero bago yun dumaan muna ako sa kung anu-anong security anek-anek tulad nung machine na kumukuha nung fingerprint tapos pag nagtugma yung fingerprint eh tsaka lang bubukas yung door tapos may voice activated na pinto rin tapos may swiping machine rin na kung saan eh dapat dala mo dapat yung parang entrance card mo.. Grabe! bago ka pa makapasok eh mapapagod ka na! Pero astig dito, super lamig dahil ang lalaki ng mga aircon tapos modern na modern yung mga gamit dito, kakaiba talaga!
* Sa harap ng office ni Mr. Lee*
"good morning!", may nag-greet pero di ko pinansin
"hey!", dedma pa rin, ayoko talaga sa taong toh
"Ms. Agent SS5o1!", hay naku
"Oh?", sumagot na ako kukulitin lang niya ako lalo
"Long time, no see! Mukhang may mission na naman na ibibigay sayo si Mr. Lee ah! Favorite ka talaga nun noh? Bukod ba sa pagtatrabaho mo bilang secret agent dito eh nagbibigay ka pa ba ng extra service na para kay Mr. Lee? anong klaseng service?yun bang nagbibigay aliw?", sabi niya habang nakasmirk
Aba aba!! gusto yata ng away nito ah! Hindi ako ganun! Ang sakit nun ha! anong akala niya sa akin?! "Excuse me! Hindi po ako ganun at never kong gagawin yun.Kasalanan ko ba na sa akin ipinagkakatiwala ni Mr. Lee yung mga malalaking missions. Tanggapin mo na lang na mas magaling ako kaysa sayo! Its just a matter of acceptance dude!", pagkasabi ko nun eh nagsmirk rin ako.. akala mo ha! hahaha! di kita uurungan tapos lumingon ulit ako sa kanya at nakita ko ang mukha niyang asar na asar sabay lakad ko papalapit sa pintuan ng office ni Mr. Lee.
Nung aktong pipihitin ko na yung door , bigla siyang nagsalita,
"Babae ka lang. Matatalo rin kita, tandaan mo yan!", mababakas mo sa tono ng pananalita na yung seriousness and anger niya. haha! wala ka pala sa akin eh! napangiti tuloy ako ng wala sa oras. hehe! kakatuwa kasi eh!bahala ka jan! haha! then pumasok na ako sa office ni mr. lee.
Pagpasok ko nakita ko si Mr.Lee na nakaharap sa bintana then nakatalikod siya sa akin. Nagmamasid lang siya sa may bintana, siguro mga 3 minutes silence din yun, di ko natiis so I broke the silence.,
"What can I do for you Mr. Lee?", tanong ko
2 minutes na ang nakalipas pero wala pa rin akong natatanggap na sagot mula sa kanya. After I spoke, total silence was on this room. So I tried to speak again.
"Uhmm, Mr. Lee, ano po yung new mission na ipapagawa niyo po sa akin?"
"Kumpara sa mga nakaraan mong mission, ito na yata ang pinakamalaki", sa wakas nagsalita na rin :D
"Ikaw ang napili kong gumanap sa mission na ito dahil alam ko na may koneksyon ka na sa taong iyon kahit papaano", he continued habang nakatalikod pa rin sa akin
"koneksyon? sino po ba yang tinutukoy niyo?", curious kong tinanong si mr. lee
"yung brown envelope jan sa mesa, nandyan yung picture at pati na rin ang ibang infos about him. Well, alam kong hindi mo na kailangan yang mga infos na iyan dahil tulad nga ng sinabi ko kakilala mo na ang taong yan", sagot niya
Agad akong pumunta malapit doon sa mesa at nakita ko na nakapatong doon yung brown envelope na tinutukoy niya. Agad agad ko itong binuksan at bumungad sa akin ang isang pamilyar na tao sa litrato.
"Si Mr. Salazar???", shock ako. Si Mr. Salazar yung CEO sa pinagtatrabahuhan ko na kompanya, siya yung boss ko
"Oo. William Salazar, CEO ng Salazar Group of Companies, kung saan ka nagtatrabaho bilang secretary nya. Alam kong hindi ka na mahhirapan dahil pamilyar ka na sa mga gagawin at mga kinikilos niya"
"Pero, ano po ba ang nagawa niyang mali? at ano po ba ang gusto nyong gawin ko sa kanya?"
"Gusto mo bang makapaghiganti sa mga dahilan ng pagkamatay ng tatay mo?" tanong niya
"Ano po ang ibig niyong sabihin??"
"Sabihin na lang nating isa sya sa mga dahilan ng pagkamatay ng pinakamamahal mong itay"
"Hindi kita maintindihan?!"
"Maiintindhan mo rin. Maaari ka nang umalis"
Pagkasabi na pagkasabi niya noon ay umalis na ako agad kas pakramdam ko eh tutulo na ang mga luha ko. Siguro dahil naalala ko na naman ang dad ko. Nandito na ako ngayon sa parking lot ngayon at pasakay na sa kotse ko. Ayoko munang umuwi ng bahay, gusto ko magkaroon ng peace of mind at iisa lang ang lugar na maaari kong puntahan.
A/N: Haaay! Oh ayan tapos na chapter 1.1 sorry po at sobrang ikli ng UD ko! eniweys, yung favor ko nga po pala... please po ha!! puh-lease!! pretty pretty please!!!
BINABASA MO ANG
Spy Next Door
Acción3 words, 8 letters, 3 syllables 5 vowels, 3 consonants, 2 nouns one emotion, many meanings a big lie, a rare truth " i love you " do you believe in that statement? If you do, are you willing to sacrifice? even your own life and the life of tho...