CHAPTER 1

409 4 0
                                    

“wow ang ganda ganda naman ng anak ko perfect bride” si mommy habang tinitignan ako sa wedding gown ko.

“uh e bat umiiyak ka?? dream wedding mo ito di ba??”

“masaya lang po my.” sabi ko

“uy girl! Naiiyak naman ako ikakasal ka na” sabi ni laureen na bestfrriend ko

lahat sila masaya sa araw ng kasal ko at syempre ako rin. Ito yung perfect wedding ko kumpleto ang family ko. Kumpleto ang mga kaibigan ko almost perfect lahat.

FLASHBACK

“promise mo jared ikaw ang groom ko paglaki natin ha?? ^.^”

“oo naman denise promise!”

DENISE'S POV

simula bata si jarred na ang lagi kong kasama sya yung nagtatanggol sakin pag may umaaway sakin. Nakakatandang kapatid kumbaga. Nung mga bata pa kami hanggang ngayon na highschool kami. Naalala ko pa nga nung mga 5 years old pa lang kami nangako kami sa isat isa na kami yung magpapakasal. At ngayon na 3rd year highschool kami, lagi kaming magkasama sinusundo nya ko sa bahay pagpasok.. kaya lang minsan iniisip ko bakit kaya di man lang nya ko maisipang ligawan? Hmm

“denise...”

“uh?''

“iloveyou..”

“ha?”

“to naman ih ang sabi ko iloveyou!”

“hahahaha! Teka may lagnat ka ba?”

“hmm matagal na kitang mahal mga bata pa lang tayo..”

sasagot na sana ako kaya lang bigla syang yumuko at sinabing...

“kaya lang kasi...”

“kasi ano??”

“si mommy sinasama na nya ko sa states.”

“pero nagpromise ka na sabay tayong ga graduate.. at dito rin tayo magcocolege..”

“pangako ako pa rin ang lalaking makikita mo sa altar sa pinakamasayang araw ng buhay mo”

niyakap nya ko. Yun ang huli naming pagkikita ni jarred. At umaasa ako na paninindigan nya ang sinabi nya.

CHILDHOOD SWEETHEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon