CHAPTER 3

186 7 0
                                    

PRESENT

JUNE 21,2012

wedding day ko. Naiyak ako ito na yun alam kong wala na talaga yung mga pangako ni jarred sa akin. Hindi nito tinupad ang pangako nya sa akin. Si tom ang groom ko at hindi sya.

“so ano tara na sa church masamang pinag aantay ang groom “ sabi ni mommy

“opo my.”

pagkadating namin sa simbahan napakadamingg tao ganito pala pag kinakasal sobrang kaba. Natanaw ko si tom at natawa ako paikot ikot ito parang di mapakali at tumigil lang ito ng makita ang bridle car ngumiti ito sa akin. At kitang kita na masaya ito syempre ako rin.

Habang naglalakad ako palapit kay tom alam kong eto na yun bibitawan ko na talaga si jarred. Alam ko na kung nasaan man sya ngayon magiging masaya sya para sa akin.

Hinawakan na ni tom a ng kamay ko at dinala sa harap ng altar nagulat ako ng maaninagan ko ang lalaking nakangiti sa akin. Hindi ako nagkakamali ang lalaking iyon si jarred iyon. Sya ang magkakasal sa amin. Bigla kong naalala ang sinabi nya.

pangako ako pa rin ang lalaking makikita mo sa altar sa pinakamasayang araw ng buhay mo”

naiyak ako bigla. Tinupad nya pala ang pangako nya sa akin. Andun nga sya sa altar sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Hindi nga lang sya ang groom ko pero ang pare na magkakasal sa akin sa taong mahal ko. :))

CHILDHOOD SWEETHEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon