CHAPTER 1

37K 462 10
                                    

"Hey! nakatulala ka naman dyan?" untag ni ZC kay AV na nakatingin sa kawalan.

"Problem?" singit naman ni RE.

"I think.... alam ko na kung bakit ganyan ang mukha mo Camello?" singit naman ni DL na bagong kasal kay MG.

"What is it DL?" sigundang tanong naman ni KM na kararating lang.

"Alam ko na yan kung bakit ganyan si Camello Bro!" biglang singit naman ni CK sa kanila... habang kumakain ng mansanas.

"Ano De Silva?" sabay sabay pa na tanong ng mga RCKADZ boys maliban kay AV.

"Nabuntis mo na yong huli mong shota (short term) ano?" walang prenong tanong ni CK kay AV na siyang kinatingin nito sa kanya.

"De Silva! nabuntis ka dyan? Wala pa sa isip ko ang pagseseryuso sa babae. Baka ikaw malapit na?" ganting sagot naman ni AV dito.

"Camello boy.... sinabi ko na ito noon kay DL, kahit itaga mo sa bunbunan mo Bro, hindi ako makakatagpo ng tatali sa akin?" hirit pa ni CK dito sabay kagat sa mansanas na hawak nito.

"Ewan ko lang De Silva... ewan ko lang..... baka bukas makalawa lunukin mo lahat ng mga sinasabi mo ngayon." sagot naman ni DL sa sinabi ng kaibigang si CK.

Samantala sa isang sulok  ay pangiti-ngiti nalang si KM sa mga naririnig nito mula sa mga kaibigan.

"Pero seriously speaking AV.... ano ba talaga ang problema mo, para ka kasing pinagsakluban ng langit at lupa?" tanong uli ni ZC kay AV.

"Ok.... ganito iyon mga Brad.... magreresign lang na naman ang secretary ko!" saad ni AV sabay ng paghinga nito ng malalim na siyang kinatingin ng mga Kaibigan niya dito at....

"Para yun lang! nakandalukot-lukot na yang gwapo mong mukha?" gulat na wika ni ZC at.... "Camello naman..." tawag pa niya dito.

"Oo De Silva.... PARA YUN LANG! Iyan ang masasabi mo pero sa akin malaking problema yon! Alam nyo naman na mapagkakatiwalaan ko si Mrs. Benedicto." wika pa ni AV.

"Mapagkakatiwalaan o Baka maaasahan mo Camello?" hirit naman ni RE dito at..... "Kasi nagagawa nya lahat ng dapat ay ikaw ang gumagawa, at may matching sermon pa kapag mali ang gawa nya?" dagdag pang hirit ni RE kay AV.

"Pare naman, alam nyo naman na hindi pa ako sawa sa pagkabinata... hindi ako tutulad diyan sa dalawa nating kaibigan na nagpaSAKAL na sa kanilang mga asawa." hirit din ni AV na kinangiti nila KM at DL na kasal na sa mga asawa nilang sila Zai at MG.

"Ops! Camello! hinay-hinay ka sa pagsasalita mo.... baka maunahan mo pa dyan si Pareng RE mahirap na?" singit naman ni KM sa kanila na may ngiti sa labi nito.

"No! Fuentabella! ako ang pinakahuling mabibiktima niyang Kupidong yan!" sagot naman ni AV kay KM.

"Camello, may ipapayo ako sayo." hirit naman ni DL, na kinatahimik ng lahat.

"What is it?"

"Bawas-bawasan mo ang pagiging babaero mo, baka mamaya niyan makakuha ka ng sakit sa ulo mo, patay na!" saad ni DL kay AV na kinahagalpak ng tawa ni CK.

"Camello!!!! Camello!!!! kaya mo kaya yon? If I know.... hindi ka mabubuhay ng walang babae sa tabi mo, ngayon nga lang para ka ng makukulaps oh!" pang-aasar ni CK kay AV.

"Sira ulo ka talaga De Silva!" sagot nalang ni AV sa sinabi nito.

"AV, seriously speaking... kung talagang magreresign na nga si Mrs. Benedicto, di umpisahan mo nalang ang magpalathala sa dyaryo tulad ng ginawa ni pareng KM noon, kaya lang ingat ka?" pahayag naman ni ZC dito.

ARON VINCENT CAMELLO "THE MR. PERFECTIONIST" THE RCKADZ BOYS SERIES 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon