CHAPTER 22

15.1K 298 0
                                    

"Noooo!!! where are they.... Where did they go!!!?" sigaw ni Felicity sa loob ng sasakyan nito.

"Hindi sila pwedeng mawala sa paningin ko.... hindi pwede!!!" galit na wika nito...."HINDIIII!!!!" sigaw ni Felicity sabay palo sa manibela ng sasakyan nito.

Samantala nagtataka naman si Jopay kung bakit bigla nalang iniliko ni AV ang sasakyan nito sa isang lugar.... na alam nitong hindi iyon ang daan na tinatahak nila....

"Why?" takang tanong nito kay AV.

"Nothing! I just want to stop here.... para kasing sumasakit ang kamay ko." sagot at pagdadahilan ni AV dito sabay himas sa mga kamay nito... pero ang mata nito ay nakatingin sa main road na parang may inaabangan.... at tama  nga ang hinala niya na may sumusunod sa kanila ng may isang itim ng honda civic car na huminto din sa malapit sa pinaglikuhan nila na palinga-linga na parang may hinahanap......

"I'm right." sa isip ni AV.... "Who are you? Bakit niya kami sinusundan?" tanong ng isip ni AV ng magsalita si Jopay.

"Akin na imamasage ko ang kamay mo para mawala ang sakit nito." saad naman ni Jopay sabay kuha ng kamay ni AV at hinilot niya ang mga ito.

"OK na ba?" tanong pa ni Jopay dito.

"Yeah, thanks Sweetheart." sagot ni AV sabay hila sa kamay ni Jopay at halik sa mga ito.... "Lets go." yaya na ni AV ng makita nitong wala na ang sasakyang itim sa kalsada.

Samantala hindi naman maalis-alis ang ngitngit ni Felicity dahil sa biglang paglaho ng sasakyan nila AV at Jopay sa paningin nito habang sinusundan niya ang mga ito kanina...

"Shit!!!! Where did they go?" tanong nito sa sarili habang minamaneho ang sasakyan nito pabalik na sa tinitirhan nito.... "Bakit bigla nalang sila nawala?" laman ng isip nito hanggang sa makarating na ito sa tinutuluyan nito.... at pagdating nito sa unit nito ay padarag nitong binuksan ang pintuan nito...

"Blog!!!!" 

"Kumusta ang lakad mo?" tanong ng taong nadatnan nito sa loob ng unit nito.

"Not Ok." sagot nito sabay upo sa upuan.

"I can see it."

"Nasa paningin ko na sila... at magagawa ko na ang plano ko... pero bigla silang nawala.... at hindi ko na sila makita."

"Kaya nga sabi ko sa iyo noon pa... bakit hindi nalang natin pakilusin o ipatrabaho ang mga ito sa mga tao natin.... at saka  pwede ka naman ng lumabas ah... wala ng makakakilala sa iyo bilang si Felicity." saad naman ng lalaki na walang iba kundi si Zack Guererro.

"Saka na Zack hindi pa ngayon ang tamang oras na makita ako ng mahal kong kapatid na si Jopay... at ang dapat na bantayan mo ay ang Britany Jimenez na iyan." sagot naman ni Felicity dito.... na kinangiti ni Zack.

"Parang dumadami na ata ang kaagaw mo sa Camellong iyon ah?"

"Wala akong pakialam basta sa akin siya babagsak Zack."

"Paano naman ako?" tanong pa ni Zack sabay turo sa sarili nito.

"Madami naman kami diyan sa buhay mo eh... kaya maghanap ka nalang ng mas magaling pa sa akin." sagot naman ni Felicity sabay kuha ng sigarilyo ni Zack at hithit dito.

"Hahahhaha!!!! Sa tingin mo ba.... may mas gagaling pa sa iyo pagdating sa kama?" tanong ni Zack kay Felicity sabay haplos sa katawan nito.... "Ikaw ang pinakamagaling sa lahat Felicity.... alam mo ba iyon?" dagdag pa ni Zack dito.

ARON VINCENT CAMELLO "THE MR. PERFECTIONIST" THE RCKADZ BOYS SERIES 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon