CHAPTER 30

15.5K 308 4
                                    

"Saan ka ba nagpupunta?" galit na tanong ni Felicity kay Zack na may hawak pang baril na siyang ipinampalo sa ulo ni Nanay Elena.

"Diyan lang..... naglibot-libot sa mansion mo." sagot nito dito.... "Hanep mahal, ang ganda pala ng bahay mo.... at ang laki." saad pa nito kay Felicity.... habang hawak-hawak parin nito ang katawan ni Nanay Elena na walang malay at may dugong umaagos mula sa ulo ng matanda.

"Ibaba mo nga iyan... at ipasok mo dito baka may makakita pa sa inyo diyan." sita nito kay Zack... na siya namang sinunod ng lalaki... at ipinasok na nga nito ang katawan ni Nay Elenang walang malay tao sa loob ng opisina ng mga Abellera.

"Nahanap mo na ba ang hinahanap mo?" tanong ni Zack dito ng naibaba na nito si Nanay Elena sa lapag.

"Kung nasa kamay ko na ba ang mga iyon..... sa tingin mo andito pa ako ngayon?" balik tanong ni Felicity sa tanong ni Zack na siyang nagpakamot ng batok ng lalaki.

"Ano kasi yong hinahanap mo?"

"Ang titulo ng lahat ng mga ari-arian nila papa at mama." sagot ni Felicity dito.

"Ah!" tanging sambit ni Zack at lumapit na ito kay Felicity at nakitulong narin sa paghahanap ng documentong sinasabi ni Felicity.

Samantala sa loob ng kwarto nila Ana ay.....

"May narinig ka bang tumawag sa pangalan ko Issa?" takang tanong ni Ana sa kasama nito sa silid.

"Wala!!!! Alam mo naman na nakalagay ang earphone ko sa tenga ko... tapos tatanungin mo ako kung may narinig ako?" sagot at balik tanong ni Issa dito.

"Pero...."

 "Matulog ka na nga... guni-guni mo lang iyan." saad pa ni Issa at nahiga na ito at ipinikit ang mata nito.

Samantala sa isip ni Ana....

"May narinig talaga ako at parang si.... si Nanay Elena iyon?" sa isip ni Ana.....

"Oo... baka guni-guni ko nga lang iyon dahil nakita ko naman si Nanay Elena na pumanhik na ito sa taas kanina." sa isip pa nito at nahiga na siya ng....

"Blog!!!"

"Ano iyon?" takang tanong ni Ana sa sarili nito sabay upo ulo sa kama nito ng marinig ang  ingay na nagmumula sa loob ng mansion.... kaya agad nitong nilapitan si Issa....

"Issa!!! Issa!!!" tawag nito sa kasama nito.

"Bakit?" takang tanong ni Issa dito.

"May ibang tao dito sa mansion.... may narinig akong ingay.... na parang nabagsak na kung anong bagay." saad nito kay Issa.... "Samahan mo naman ako at tignan natin iyon." hiling ni Ana dito na siya namang upo ni Issa at tanggal sa earphone nito sa tenga.

"Nako Ana guni-guni mo lang iyan..... mahilig ka kasing magbabasa ng mga horror na pocketbook ayan tuloy....."

"Blog!!!" narinig nilang dalawa na kinahinto ni Issa sa sasabihin nito kay Ana.

"Ana!?"

"Issa?"

ABS WORLD NETWORK WASHINGTON:

"Boss! Good morning!" bati ni Jopay kay Jaiden ng pagkapasok palang nito sa loob ng opisina ng binata.

"Good morning!" bati rin Jaiden dito.

"Ready?" tanong ni Jopay dito na ang tinitukoy nito ay ang mga papeles nila ni Tristan papunta sa Ukraine.

"Jopay I think.... It's better na si Walter nalang ang pupunta doon instead na ikaw." saad ni Jaiden dito.

ARON VINCENT CAMELLO "THE MR. PERFECTIONIST" THE RCKADZ BOYS SERIES 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon