Prologue

4K 91 4
                                    

My lips curved into a smile and I can feel my eyes twinkling upon seeing the guy of my dreams walking in the lobby with his friends.

Griffin Eon Davis, my future husband.

I know, I know... Hindi nya ako gusto, pero pasasaan ba at mamahalin nya rin ako. Kailangan ko lang magpursige para mapansin ako ng lalaking pinakamamahal ko.

As usual, sinundan ko na naman siya. Hindi ako magsasawang ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. 
Nakangiti akong nakasunod sa kanila nang napansin kong bumagal ang paglalakad nila. Tuloy pa din ako sa pagsunod kahit konti na lang ang agwat ng layo ko sa kanila.

Nang bigla itong huminto at ganundin ang mga kaibigan nito. Nakapamulsa itong lumingon at nagtama ang mga mata namin.

Pakiramdam ko, nasa langit na ako at nabigyan ako ng pagkakataon na makatitigan ang isa sa mga anghel doon.

Bigla itong tumikhim na nakapagpabalik sa diwa ko.

Nakita kong nakaharap silang lahat sa akin.  Tanda ko silang lahat dahil sikat din sila sa university. Si Neron, at ang magpinsang Neil at Duke ay nakatingin na din sa akin.

"Told you bro, nakasunod na naman siya sa atin." narinig kong bulong ni Neron kay Griff.

Nakita kong namula ang mukha ng binata at matatalim ang mga tinging ipinukol nito sa akin.

Nagtatagis ang mga ngipin nito nang magsalita.

"Miss, hindi mo ba talaga ako tatantanan? Huh? Sunod ka nang sunod, hindi kita anino." supladong sabi nito.

Nasaktan ako kasi hindi nya mabanggit-banggit ang pangalan ko. Pero matatag ako. Hindi ako papatibag kasi alam kong hindi masamang ipakita mo sa isang tao kung gaano mo sya kamahal. Kaya ko pa, kaya ko pa.

Humugot ako nang malalim na hininga at nginitian sya.

"Hi Griffin. You can call me Raven or if you like, you can call me yours." nakangiti kong sabi.

Hay ang witty ko talaga! Hahaha!

Nagsalubong ang mga kilay nito.
He then smirked. Maya-maya ay nauwi na ito sa halakhak. I can hear sarcasm in his laughter. Humakbang ito palapit sa akin.

Nanigas ako sa  kinatatayuan ko. My heart is beating so damn fast!  Oh, the effect that he has on me.

Tumigil ito saktong dalawang hakbang mula sa kinatatayuan ko.

"Miss, I want you to listen very carefully. I. Dont. Want. You.
Not even in a million years. Not in this lifetime at kahit ma-reincarnate pa ako ulit, hindi kita magugustuhan kaya pwede ba, lubayan mo na ako. Because you're fucking pissing me off! Para kang tutang buntot nang buntot sa akin. Utang na loob, lubayan mo na ako." may diin na sabi nito.

Napayuko ako pero agad ding nag-angat ng tingin sa kanya.

"Yun ba ang dahilan kaya ayaw mo sa akin because I follow you everywhere?  I promise, magbabago na ako. Hindi na kita gaanong susundan. I'll change myself for you, just let me love you. Kasi Griffin, mahal na mahal kita. " halos pabulong ko nang sabi sa kanya. I'm on the verge of tears but I 'm holding back. Baka lalo syang maturn-off sa akin.

Marahas itong humugot ng hininga.
This time, his eyes is pitch black and serious.

"What part of no don't you understand,huh?! Look at yourself, you're so desperate, you're making yourself looking like a cheap. Hindi mo ba maantay na ikaw ang habulin? You're doing all those crazy stuffs para lang magpapansin. See what you did earlier? Foundation day natin, pero look at what you did, sumayaw ka wearing a shirt with a print of my name declaring your love for me?! That's ridiculous! Just fucking stop, okay?! You are so annoying!" he almost shouted.

Pinigilan ito ng mga kaibigan sa mga sasabihin pa nito. I can see their stares at me. I can see their look of pity towards me. Pero wala eh, tanga na kung tanga pero ipaglalaban ko sya.

Kahit durog na durog na ako, I murmured  a response.

"Pero mahal nga kasi kita Griff. I want to show you na hindi ako basta basta susuko kasi mahal na mahal kita." halos bulong na lang ang sinabi ko pero alam kong narinig nya.

"Tigilan mo na ang pagmamahal na yan. I will never love you kahit maglupasay ka pa sa harapan ko. Do you understand me? I don't want your love. I don't want you to want me. For crying out loud, I don't want any of it kaya pwede ba, stop. If you really love me, then show me. Stop chasing after me. I will not love you hindi sa kung ano pa mang dahilan. I don't want you kasi ikaw si Raven. Stop, okay?" malamig nitong sabi.

Napakagat-labi ako. Ang sakit! Ang sakit-sakit!

I don't want you kasi ikaw si Raven.

Wala na talaga akong pag-asa kay Griffin. Kahit anong gawin ko hindi nya ako magugustuhan kasi ako mismo ang ayaw nya. Hindi dahil sa kung anupaman. Marahil kapag ibang babae ito, bigyan pa nya ng chance. Hindi ko alam kung bakit ayaw nya sa akin. May ganun naman tlaga di ba? Yung tipong wala namang masamang ginagawa ang tao sayo pero inis ka sa kanya. Ganoon si Griffin sa akin.

Unfortunately.

I can feel my tears  trickling down my cheeks as I look down. Wow, hindi lang nya ako dinurog, pinulbos pa. I wiped my tears and looked at him directly in the eyes.

"For the last time, I love you. Promise, hindi na ako susunod-sunod sayo. Hindi mo na ako mararamdaman pa." mahina kong sabi. I looked at his friends and stared back at him.

"I am sorry if you were all pissed off  because of me. Pasensya na talaga. Isa lang ang hihilingin ko sa inyo. Please delete this stupid girl in your memories. Sana sa susunod na magkasalubong tayo, don't look at me with pity as how you look at me now.  Hindi naman siguro mahirap gawin iyon di ba? I promise not to bother you anymore. It will be as if I never existed. Salamat sa oras." matatag na sabi ko sabay talikod at nagmamadaling umalis na doon ignoring the ugly stares from my fellow schoolmates.

After that incident, tuluyan ko nang iniwasan si Griffin. Kahit masakit. Hindi ko rin naman na siya halos nakita pa sa uni. Mabuti naman at halos patapos na rin ang sem.












4th year Business Ad. First semester.
I saw him again. I know he saw me, too.
















I looked away and started to walk in the opposite direction.


































Well, I don't chase after him anymore...

The Bratinella Series3: Captured by the Lioness (Raven&Griffin)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon