Endgame

2.7K 67 1
                                    

Author's Note: Hi!! I'm sooo back!! 💜
Feel free to comment po sa mga books ko. :)

First year College. First day of School.

Hinahanap ko ang classroom namin para sa isang minor subject nang madaanan ko ang mga nagkukumpulang mga kaeskwelang babae. Kinikilig ang mga ito habang may tinatanaw. Sobrang iksi din ng mga suot nila.

Napakunot-noo ako. Anong meron?

"Iiihhh!! Ang gwapo niya talaga! Shet! " parang kiti-kiting sabi ng isa habang magkahawak ang kamay at tila nangangarap.

Narinig kong sumagot ang isang kasama pa nitong babae.

"Alin diyan? Eh lahat sila ang guguwapo at ang hot! " sabi nito sabay tili.

Napapailing na lang ako. Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang tumunog ang phone ko. Naghahalungkat ako ng bag habang nakayuko nang bigla akong nabangga at nalaglag ang mga dala ko. Agad ko namang pinulot agad ang mga iyon nang naramdaman ko ang pagsinghap ng mga naroroon. Napaangat ako ng tingin at tumigil ang mundo nang makitang may palad na nakalahad sa harapan ko. Mas lalo akong natulala nang tingnan ang may ari ng kamay na yun.

I stared directly to a pair of grey eyes. It's as if I could see its depth. I can feel my cheeks heating up.

Bigla itong tumikhim.

"Miss, kung ayaw mong tulungan kitang tumayo, bahala ka diyan. Nagmamagandang-loob lang ako na tulungan ka kahit kasalanan mo naman talaga. " kunot-noong sabi nito.

Parang tila nagising ako sa sinabi nito. Lalo pa ngang pumula ang pisngi ko. Inabot ko ang kamay nito saka tumayo. Parang nakuryenteng binitawan nya agad ang kamay ko nang makatayo na ako. Saka walang sabi-sabing umalis na habang ako naman ay naiwang nakatulala.

Dugdug! Dugdug! My heart is beating so loud at hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang naramdaman ko. In my 17 years of existence, nun lang napukaw ang interes ko sa isang lalaki.

Nakarinig ako ng tawanan.

"Girl, natutulala na yata! Haha ganyan talaga ang epekto ni Griffin. Oohhh, ang swerte niya! " natatawang sabi nung isang babaeng kaeskwela.

Napakurap ako at nagmamadalaing umalis doon. Maswerte na nga lang at may nakasalubong ako na alam kung saan ang room ng unang subject ko. Nagmamadali akong pumasok sa klase.

Yun ang unang beses na nakita ko siya hanggang sa nakilala ko na kung sino siya dahil sa mga babaeng kaeskwela ko.

Mula sa malayo ay sinisilip ko siya palagi.

"Raven, ang blooming natin ah. Nakita mo naman siguro ang crush mo no?" sabi ni Saffira na naging matalik kong kaibigan.

Napapahampas ako sa kanya habang impit na tumitili.

"Ang gwapo niya talaga, Saffi!" kinikilig na sabi ko.

Nandoon kami sa isang VIP room noon na tinawag naming Brats room. Kasama din namin si Quincy, ang isa ko pang napakagandang kaibigan.

"Gwapo nga, pusong bato naman! Napakasuplado nun Raven. " ismid na sabi ni Quincy.

Napabagsak ako ng upo sa sofa habang tila nangangarap na pansinin ni Griffin.

"Lalo ko siyang nagugustuhan. Ibig sabihin lang niyan brats, loyal siya at panatag kapag naging boyfriend ko siya kasi alam kong di siya titingin sa iba. " kumikislap ang mga matang sabi ko.

"Bahala ka na nga. Basta ha, andito lang kami." sabi ni Saffi.

Simula nun, nagumpisa na akong sundan siya. Inalam ko ang schedule niya saka ko siya inaabangan sa malayo. Nagtatago ako kapag malapit na siya. Masilayan ko lang siya, buo na ang araw ko. Haaay Griffin. Mahal na ata kita.

The Bratinella Series3: Captured by the Lioness (Raven&Griffin)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon