Puso

2.5K 58 0
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo sa bench sa school garden. Busy si Saffi sa pagiging school president. Si Zara naman ay iba ang course kaya may klase syang pinasukan. Si Quincy ang bumili ng pagkain namin para masave ko ang spot na to sa garden.

Sinamyo ko ang hangin. Napakasarap talaga kapag nababalutan ka ng mga halaman. At ang katahimikan. Napangiti na lang ako sa sarili.

This feels like home...

Kapag nasa bahay naman ako, lagi na lang nag-aaway si Mommy at Daddy. Hindi ko alam kung dahil ba sa kawalan ng oras sa isa't isa o may iba pa bang dahilan.

Napahugot ako ng malalim na hininga.

Napasandal ako sa likod ng upuan at napapikit habang dinadama ang kapayapaan.

Naramdaman kong may tumabi sa bench. Inakala kong si Quincy ito.

Nagsalita ako habang nakapikit pa.

"Quincy, andiyan ka na pala. Medyo inaantok ako brat. Nag-away na naman kasi sila mom at dad kagabi. Hindi ako nakatulog nang maayos." sabi ko sabay buntong-hininga.

Pero di nagsalita si Quincy. Marahil hinayaan lang ako sa pag-eemote ko.
Nagpatuloy ako sa pagsasalita habang nakapikit.

"I'm fuckin' tired Quince.I'm tired of the people who disregard my feelings. Nasasaktan din naman ako. " mapait akong tumawa.

Wala pa rin akong reaksyon na nakukuha kay Quincy kaya nagmulat ako ng mata. Halos mapatalon ako sa mukhang bumungad sa akin.

Malamlam ang mga matang nakatingin sa akin si Griffin.

Natigilan ako. Oh shit!

Agad naman akong nakabawi.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

Tumikhim ito.

"Nagpapahinga lang. This bench has the perfect shade." sabi nito sabay tingala sa puno na lumililim sa upuan.

Napatango na lang ako.

"Aalis na ako."  Tumayo na ako at nag-inat. Inayos ko ang sarili. Akma ko nang kukunin ang mga gamit ko nang pigilan niya ang mga kamay ko.

"Hey. You can rest here. Marami namang space." sabi nito sabay hagod ng tingin sa paligid.

Umiling ako. "Pupuntahan ko na si Quincy. You can rest here all you want." sabi ko sabay kuha sa gamit at biglang talikod.

Naglakad na ako paalis doon nang may humila sa kamay ko.

"Hmm. That was rude. Just tell me if you don't want to be with me here. Hindi yung aalis ka na lang basta." magkasalubong ang kilay na sabi nito.

Pagak akong natawa.

"Don't act as if everything's okay between us. You know for a fact that it's not and never will be. Baka akala mo nakalimutan ko na yung pagsinghal mo sa akin kahapon. Stop playing games with me Davis. I'm so done with you." sabi ko sabay bawi ng kamay at mabilis na lumakad paalis doon.

Naiwang nakanganga ang binata.

You're too late Griffin. I am not going down that road again.

Habang naglalakad, may biglang umakbay sa akin. Muntik ko nang sapakin sa gulat.

"What, my dear cousin? Sasapakin mo ako? " natatawang sabi ni Bass habang nakatingin sa nakaumang kong kamao.

Nahampas ko siya nang malakas.

"Sira-ulo ka! Akala ko na kung sino. Bakit ka ba kasi nanggugulat?" iritableng tanong ko.

Natawa lang ito sa inakto ko.

"Rave, baka gusto mo sumali sa banda namin. Wala kaming vocalist eh. " nakangiting sabi nito.

Natawa ako. "Ayun. May kailangan ka naman pala sa akin. Edi si Blast o di kaya si Beats." nang-aasar na saad ko.

Inakbayan niya ako kaya napahawak din ako sa bewang niya. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

"Sige na dear cousin." ungot nito.

Napataas ako ng kilay saka napabuntong-hininga

"O sige. Libre mo muna ako. Gutom na ako Bass." nakangusong sabi ko.

Napatingin ito sa akin saka ginulo ang buhok ko.

Naglakad na ulit kami papuntang school pantry.

Nakasalubong namin si Quincy.

" O, anong nangyari sayo? Ba't ka natagalan? " tanong ko dito.

"Naku, pasensya na Rave. Puntahan na sana kita sa garden eh buti nandito ka na. Sa labas na lang tayo kumain. Ang haba ng pila saka mahaba pa naman ang oras natin." sabi nito.

Sumang-ayon na lang din sila ni Bass. Naglakad na sila papunta sa parking nang may kotseng humarurot na dumaan sa gilid niya. Buti na lang at nahila siya ni Bass.

"Gagong yun ah! " gigil na sabi ni Bass.

" Hindi ba si Griffin yun?" nagtatakang tanong ni Quincy.

Napakibit-balikat na lang ako. Hindi ko talaga siya maintindihan! Ipinagtabuyan ako tapos ngayon siya naman itong lumalapit?  Bipolar..


Tumuloy kami sa Wingstop, isang restaurant na sikat sa spicy wings. Habang nagaantay ng order namin, hindi ko maiwasang mapataas ang kilay kay Bass.

Kahit kelan talaga, napakababaero nito!

Ang magaling kong pinsan ay  wala nang ginawa kundi ang mag-spot ng mga chicks na papasok sa resto.

May namataan akong babaeng pumasok. Mestisa ito at maganda. Agad kong siniko si Bass.

"Bass, chicks, three o'clock." I discreetly said pero agad ding naputol ang sasabihin ko nang makita ang lalaking nakasunod dito.

Griffin.

"Oh shit." I suddenly paled.

Bass chuckled.

"Ang hot nga niya cuz. No wonder, --" pinutol ko agad ang sinasabi niya.

"Don't even go there Bass. Sasakalin kita." napaismid na sabi ko dito.

Dito pa talaga sila naupo sa katabing table namin. Nang sulyapan ko sila, matiim lang na nakatitig si Griffin sa akin.  Agad akong nagbawi ng tingin.

Ang puso ko naman ay tila nagkakarera sa bilis ng tibok. Napahugot ako ng hininga.


Bakit ba ako nagpapaapekto sa kanya? Wala na dapat ako pakialam sa kanya.

Pasimple kong tinapik ang puso ko.

A/N: Short update lang po. 💜

The Bratinella Series3: Captured by the Lioness (Raven&Griffin)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon