"Earth to Raven!" narinig kong sabi ni Quincy na nagpabalik sa diwa ko.
"You're spacing out again." sabad naman ni Saffi.
"May nangyari ba Rave?" marahang tanong naman ni Zara.
Bumuntong-hininga lang ako at umiling.
Kasalukuyan kaming nasa garden ngayon dahil mamaya pa ulit ang klase namin. 4th year na kami sa Business Ad. May nadagdag lang sa circle of friends namin. Si Zara. History ang tinatake nya. Would you believe na isa siyang princess? How cool is that?
Naramdaman kong inakbayan ako ni Quincy.
" Si Griffin na naman ba?" mahinang tanong nito.
"Of course not!" matigas ako sa pagtanggi. "Wala na akong pakialam dun sa taong yun."
"Eh sino? Bakit malungkot ang Raven namin?" malambing na tanong ni Zara.
Napahugot ako ng hininga.
Nagkakaproblema kasi ang parents ko. They barely have time for each other kaya madalas silang mag-away.
"Just family matters, brats. As usual." walang buhay na sabi ko.
"Nag-away na naman ba sila Tito?" tanong ni Saffi.
"Tara, ice cream tayo para makalimutan mo sandali ang problema sa bahay. Tutal, breaktime pa naman natin." pag-aya ni Zara.
Inakay na nila ako patayo. Kaya sumunod na lang din ako. I badly need my friends now.
Naglalakad na kami palabas ng gate nang makasalubong namin ang mga jerks. No other than Duke, Neal, Neron at yung lalaking dumurog sa akin, si Griffin.
I masked my emotions kahit hindi ako komportable na makaharap sila. Dati rati ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pero ngayon, somehow pati iyon ay napilit ko na ring huwag maramdaman. I'm numb.
"Hi Zara!", bati ni Neron sa kaibigan ko. Ngumiti lang si Zara dito at umiwas ng tingin kay Duke. Medyo kumplikado din ang sitwasyon ng dalawang ito. Nalaman kasi ni Zara na nakafixed na ang kasal nya sa lalaking napupusuan ng ama nito at ganundin si Duke. They have been avoiding each other the moment na nireject ni Zara si Duke.
"Hi future wife." bati naman ni Neil kay Saffi na ikinasimangot naman ng kaibigan ko.
Tuloy lang kami sa paglakad at nilampasan sila. Pag-angat ko ng tingin, nahagip ko ang mga mata ni Griffin at saglit kaming nagkatitigan pero mabilis din akong umiwas ng tingin. Mas naging blanko pa ang emosyon sa mukha ko. I showed him that I no longer care anymore and I just walked past him.
"Griff bro, nakamove-on na talaga si Raven sayo. Masaya ka na ba?" narinig ko pang mahinang sabi ni Neron kay Griffin nung saktong paglampas ko.
Napangiti ako nang mapait.
Of course, he's happy!
But I'll make sure to be happy too. Tama na ang pagpapakatanga. Alam kong kaya ko!Inakbayan ako ni Quincy. "Rave, relax okay? Nakakuyom ang kamao mo." mahinang sabi nito na ikinatingin ko sa kanya.
Huminga ako nang malalim.
"Thanks Quincy!" nakangiting sambit ko.
Nang may biglang tumawag sa akin.
"Raven, wait! " narinig kong tawag sa akin.
Agad akong napalingon.
Lumapit sa akin ang isa sa mga kaklase ko sa major subjects ko.
"Yes? Bakit mo ako tinatawag?" , marahang tanong ko.
Namula ito at napakamot sa batok.
"Uhmm.. Ahh.." Iaabot ko l-lang sana ito. S-sandwich f-for you. Ginawa ko yan." nahihiyang sabi nito.
Nginitian ko siya nang malapad.
" Really? That's for me? Salamat!" sabi ko sabay abot ng sandwich.
Mas lalong nangamatis sa pula ang mukha ng binata.
"Walang anuman. Akala ko suplada ka. Salamat at tinanggap mo." nakangiting sabi nito.
Natawa ako sa reaksyon nito.
"Of course. Alam kong nag-effort ka for this. Thanks again! Mauna na kami." nginitian ko ulit ito at tinalikuran na ito nang makita ko si Griffin na matiim ang mga titig sa akin at nakatiim-bagang.
Akala ko umalis na ang mga ito!
Anong problema nito?
Hindi ko na lang pinansin at aktong lalampasan ko na ito nang magsalita ito.
"Wow! Congrats Raven! Ikaw na ang hinahabol ngayon. Dati-rati ikaw ang naghahabol. Do you remember kung paanong para kang aninong sunod nang sunod sa akin noon?" he said with an evil smirk.
Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko. The nerve para ipaalala pa sa akin iyon!
I calmed myself and looked at him with a blank expression on my face.
I smiled at him sweetly but dangerously.
"O, ikaw pala Griffin. I forgot to thank you. Salamat nga pala, nang dahil sa iyo, alam ko na kung ano ang tipo ng lalaking dapat paglaanan ko ng pagmamahal at pansin. Someone who's not like you. Someone who's better and deserving than you. Thanks for the rejection. Move on ka na, ako matagal ko nang limot iyon eh." klarong sabi ko sa kanya. I gave him my sweetest smile.
Nakita kong nabigla sya sa sinagot ko. His face is in awe.
Agad ko na silang tinalikuran at umalis na kami doon. Nang makalayo na, bumungisngis si Quincy.
"Ang fierce ni ateng kanina. Hahaha!" natatawang sabi ni Quincy.
"Thanks for the rejection,pak!" sabi naman ni Saffi na naiiling.
"Pero ang totoo brat? Limot mo na ba talaga si Griffin?" nanunudyong tanong ni Zara.
Umismid ako.
"Oo naman. Ang mga katulad nya, hindi dapat pinagtutuunan ng pansin. " matigas na sabi ko.
Nagkibit-balikat na lang at nanahimik ang mga brats. Maya-maya ay tumawa sila sabay tingin sa akin.
"Weh?!" mga mukhang di-naniniwalang sabi nila sabay kanya-kanyang takbo papunta sa parking.
Napapailing na lang ako sabay takbo na rin sa direksyon nila para habulin sila. Kanya-kanyang tili ang mga brats.
Author's Note: Sana po subaybayan nyo rin ang kwento ni Raven at Griffin. 💚
BINABASA MO ANG
The Bratinella Series3: Captured by the Lioness (Raven&Griffin)COMPLETED
RomanceGriffin Eon Davis. A handsome and hot Fil-Greek bachelor. He may look hot with his outer appearance but he's icy cold deep inside. He doesn't want to associate himself with any girl because of his past. Then he met Raven. Ang babaeng kulang na lang...