Chapter 3

37 4 1
                                    

Chapter 3 - Nice

Maaga akong nagising dahil kahit yata sa panaginip ay pinaaalalahanan ako ng pangako kay Papa. I went out of my room to check if Papa is awake but I saw Sarah in the living room that caught my attention.

Kakauwi niya lang ba?

'Yon agad ang naitanong ko sa sarili at nang magkatinginan kami ay umiwas na ako. It's just that I can't look at her in the eyes with my thoughts. She might misunderstand it, knowing her. Didiretso sana ako sa kwarto ni Papa nang magsalita siya.

"Ano'ng mayroon at umuwi ka?" She asked.

Napalingon ulit ako sa kaniya. Wala na sa akin ang tingin niya kundi nasa programang pinanunuod sa telebisyon. Good thing, we're not looking at each other. I can't stomach having an eye contact with her at the very start of my day.

"Dinalaw ko si Papa." I answered in a low voice.

Why do I feel required to answer her questions? Maybe because I don't want any trouble.

"Oh, kailan ka babalik sa Maynila niyan? 'wag mo sabihing magtatagal ka rito?" Taas kilay niyang tanong at mabilis lang akong sinulyapan saka bumalik sa pinanunuod.

"Uuwi rin ako bukas." Maikli kong sagot, bahagya nang nagtitiim ang bagang.

"Mabuti naman at hindi ka magtatagal," I was about to go to Papa's room when she spoke again. "Nga pala, hiniram ko 'yong kwintas mo. Isasauli ko kapag bumalik ka rito."

Doon ako napalingon ulit sa kaniya. Nakataas na ang isa kong kilay at handa nang kwestyunin siya. Nakakainis! Iyon na nga lang ang nabili ko para sa sarili, kukuhanin pa niya! At ang lakas ng loob niyang makialam sa gamit ko, huh? Ngayon, hindi na ako sigurado kung kwintas lang ba ang kinuha niya.

"Hindi ba pwedeng isauli mo bukas bago ako umuwi? Binili ko kasi 'yan para sarili ko, at isa pa, hindi naman gaanong kamahalan ang gan'yan kaya bumili ka na lang ng sa'yo." Pinigilan ko pa ang sarili na magtaas ng boses dahil masyadong maaga at ayaw kong madagdagan ang gulo kapag nagising si Auntie.

Doon siya napalingon sa akin na para bang katakha takha ang sinabi ko para sa kaniya. Oo, ngayon lang ako nagsalita ng ganito matapos ang ilang taon na dapat marami akong pinaglaban. Hindi naman masama, 'di ba? There's no wrong on fighting for justice!

"Aba? Gan'yan ka kadamot? Para kwintas lang, kung anu-ano nang sinabi mo?" Mataas na agad ang boses niya kumpara sa tono ko. "E, 'di ihingi mo ako ng kwintas kay Louis? Doon sa lalaking pineperahan mo para hindi ko kunin 'tong mumurahin mong kwintas!" Puno nang panlalait ang boses niya at kung matahin ako ay para ako'ng isang nakakadiring tao.

Wow! The nerve of this stupid ugly creature to look at me like that! Punyeta! Mas nakadidiri nga ang itsura niya!

"Hindi ko pineperahan si Louis. At kung lalaitin mo lang ang kwintas ko, mas mabuti pang isauli mo na lang." And I could really praise myself for not raising a voice.

"Hindi pineperahan? So, bakit ka pinag-aaral ng pamilya niya, kung ganoon? Ulol!" Tumalikod na siya sa akin at hinarap ang telebisyon

Marami pa akong gustong isagot. Pero sa pagtalikod niya, alam kong hindi na 'yan tatanggap ng paliwanag. I walked silently and heard her mumur.

"Ang tapang tapang, akala mo walang utang na loob kung magsalita."

Those words went straight to my heart. Walang utang na loob. Kung alam lang nila kung gaano ko kadalas maisip ang mga utang na loob ko sa kanila, masasabi niya kaya 'yan? Pati na rin lahat ng sinakripisyo ko para sa utang na loob na 'yan.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Papa saka pumasok. Naabutan ko siyang sinusuklay ang maikli at kulay abo niyang buhok. He looked older than his age because of his hair colour that's why I thought of coloring that to black.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Man From The Crowd (Deverell Boys #1)Where stories live. Discover now