Chapter 1

1 1 0
                                    

Mild's POV

Malakas na hiyawan ng mga estudyante ang sumalabong sa akin at isa akong host sa isang malaking event sa aming paaralan.

Malalaking banners na may pangalang "XAVIER" ang halos lahat ng nakikita ko rito na hawak hawak ng mga babaeng nakaupo sa aking harapan.

Ngumiti ako dahil maski ako ay isang taga hanga rin ni Xavier.

Sino naman kasi ang hindi hahanga sa gwapong lalaking iyon? Matalino, matipuno, hot, sexy, gwapo! At higit sa lahat masungit pero ang lakas pa rin ng dating!

Ewan ko na lang talaga sa taong walang pake alam sa kanya, like seriously? Tao paba talaga sila?

Bumida ako sa entrance at kumaway sa kapwa ko mga estudyante habang naglalakad sa gitna ng stage

" Hello!  CIU folks! " Panimula ko sa lahat ng mga estudyante na nasa baba at aktibo sa programang ito.

"Quiet! I'm here for the announcement!"  at nagsimula nanamang lumakas ang hiyawan ng mga estudyante sa baba ng stage.

Sumenyas ang kamay ko pababa para patahimikin ang mga ito. 

"Today, we will find the best smile guy of the faculty of Political Science"

Hindi ko nga alam kung dapat bang basahin ko ang isang puting envelope na hawak hawak ko ngayon? Alam naman ng lahat kung sino ang mananalo sa event na ito diba?

Hindi ko alam ang nasa loob nito pero duh! Siyempre si Xavier na ang panalo! Kahit anong mangyari siya ang mananalo.

Nagpalakpakan ang mga estudyante. Maging si ako ay excited sa aking sasabihin. Kitang kita sa mga mata at ngiti nila kung gaano sila kasaya ngayon.

"who will be crowned this title? I'm sure you all want to know now, right?"

"YES!" sigaw ng mga estudyante sa crowd.

Tumango tango ako sa kanilang lahat bilang pagsang-ayon at sinimulan ng tawagin ang mga contestant sa contest na ito.

"And the first contestant is FUSE JONES!" bumati si Fuse habang naglalakad papunta sa gitna ng stage.

Medyo dismayado ako dahil iilan lang ang pumapalakpak para sa kaniya. I'm so dissapointed. Gwapo si Fuse, hindi masyadong matangkad yung tipong tama lang ang height para sa isang babae. Kaya hindi ko alam kung anong mata ang meron ang mga babaeng ito at di man lang suportahan ang kapwa nila estudyante rin!

Hinayaan ko sila at dumeretso na sa ginagawa ko "and the second hot contestant is also... Something? I would like to introduce FORD TAYLOR!" confident na pumasok si Ford at kumaway sa amin. Gaya ng pagpasok ni Fuse kanina, iilan lang din ang pumalakpak para sa kanya. Biglang nawala ang kanyang malawak na ngiti.

WHAT THE HECK IS WRONG WITH THEM? hindi ba nila na appreciate ang confidence ng mga lalaking ito na hamunin si Xavier sa labang ito?

Pilit na ngumiti sa akin si Ford ng makarating siya sa center ng stage. Pinisil ko ang pisngi niya dahil kahit medyo nerdy siya ay talaga namang sobrang gwapo niya!

Tuwing nakikita ko ang crowd ay naiinis ako, hindi ko alam kung anong problema nila at hindi nila nakikita ang effort ng dalawang lalaking nakatayo sa harapan nila. Hindi nila alam kung saan naghanap ng lakas ng loob ang dalawang ito. Mas lalong humigpit ang pagkaka kurot ko sa pisngi ni Ford ng sabihin niyang nasasaktan na siya ay agad ko iyong binitawan at humimgi ng paumanhin sa kanya.

"okay lang" sabi niya at ngumiti sa akin

See?! Magalang, mabait at gwapo! Saan sila makakahanap ng ganitong lalaki sa panahon ngayon?

Lethal Politics Where stories live. Discover now