Cheryl's pov
"Re-milk!" Nilingon ko ang lalaking tumawag sa akin sa malayo! Isa lang ang taong tumatawag sa akin ng ganon. At ang kasama kong si Mild? ayan, mukha lang naman siyang pusang ewan.
Ang lalaking mahilig sa dinosaurs. Ang lalaking may dinosaur jacket at may dinosaur bag. Isa rin siya sa mga U-prince ambassadors ng school na 'to.
Sino siya?
"Oh! Hi T-Rex" nakangiti kong sabi sakanya.
"Hi, rex" sabi naman ng pabebeng si Mild. Rex? Close ba sila huh? Duh! Wala yatang hindi kilala ang best friend kong to! Saglit siyang nilingon nito at binaling ulit saakin ang kanyang mga mata.
I admit that once I fell for him. He's very good looking, a Spanish-Chinese nationality. Singkit ang mata niyang kulay brown, has thick brows, pointed nose, and a rosy lips. Matangkad, may kalakihan ang katawan at laging magulo ang kanyang buhok, parang hindi nag susuklay. He's kind, nice and very gentle man pa! Hindi lang yon, talagang magaling siya, matalino, masipag at matulungin. What's weird about him? Ayun nga, mahilig siya sa dinosaurs at isa sa mga paborito niya ang T-Rex.
Luckily daw at Drex ang pangalan niya and everyone is calling him T-rex instead of drex.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin. "Kumuha ako ng queue number para kay Xavier," nanlaki ang mata niya. Sabi ko na nga ba at eto rin ang iisipin niya.
"You're interested on him too?" agad niyang tanong sa akin. "You like him too? Ngayon ko lang nalaman na interesado ka pala sa mga ganitong bagay," bahagya siyang tumawa ng marealize niya ang tanong at ang sinabi niya sa akin.
"Are you crazy?" itinuro turo ko pa siya at mas lalong hindi ako baliw no! "I just need his help, that's the only reason. And it's so hard to meet him"
Tumango siya sa akin bilang pag sang ayon, "that's true."
Kumunot ang noo ko at tinitigan siya. Baka siya ang may interest kay Xavier? Hindi kaya?
Oh my god?
Paano niya naman nalaman?
"Close ba kayo huh?" mygosh! Oo nga pala! Malamang! Pareho silang ambassadors. Mygosh, cherry milk!
"I guess?" he ghosted a smile. Hinawakan ko ang kamay niya na siyang ikinagulat niya. Omg!
"Ah T-Rex!!! so you can help me?" nag smile ako sakanya. "Can you use your connections to get a shortcut for me?" Nag puppy eyes pa ako sa harapan niya para lang matulungan niya ako.
"Ako ang last queue! Alam mo ba yon!" hindi ko pinansin ang selosang si Mild sa tabi ko na kung irolyo ang mga mata niya sa akin ay parang pasan niya ang buong problema ko sa buhay.
Basta ang kaylangan kong gawin ay mag maka awa kay T-Rex! Nginitian niya lang ako at tinapik ang ulo ko.
"I can't" nag simula namang tumawa ang bwisit kong kaybigan sa tabi ko. "If you have to meet him you must wait for your queue," sabi niya at muli akong nginitian. Akala ko pa naman matutulungan na niya ako. Bakit ba pag nagmamaka awa ako laging walang epekto? Ganito ba ako ka malas?
"You'll meet him soon. Tiwala lang" dugtong niya. Sumimangot ako sa narinig sa kaybigan.
"Hindi mo ba talaga ako matutulungan?" huling tanong ko sakanya. Please naman, T-Rex! Pumayag kana! "I'm sorry, re-milk! I would love to but if it's about Knight, I can't... If you need help about something, don't hesitate to call me. I can help you," muli niya akong nginitian at hinalikan ang noo ko.
That's why I'm so closed to him, he always makes me feel a lot more better, kaysa naman sa bestfriend kong puro pa cute lang ang alam! Ayan tuloy, wala kang hug or kiss man lang!
"Saan ka pupunta?" tanong ko kay T-rex matapos niya akong yakapin.
He gave me a lil smile, "kay Xavier. He's my friend."
"What?! This is not fair!" he only chuckled. "It is. If it's about dinosaurs I'm more happy to help you," he said, still smiling widely at me.
"Fine! If my Cherry Berry dinosaur collections are ready, sayo agad ako pupunta para humingi ng advice." Tumango tango siya sa akin at muli akong niyakap.
"Sure! Anytime. I'll see you guys, soon. Bye" he waved me good bye. Nag goodbye na rin ako sa kanya. "Bye" sabi niya kay mild na ikinakilig naman niya bongga.
Umalis na si T-Rex at kami nalang ang naiwan dito sa labas. Hindi ko maipaliwag ang sinasabi ng babaeng ito sa akin. Para siyang nasasapian ng kung ano mang ispiritu.
"OH MY GOSH! DID YOU SEE THAT? HE SAID GOODBYE TO ME TOO! OMYGOSH! BUONG BUO NA TALAGA ANG ARAW KO!!!" halos mayugyog na niya ang buong pagkatao ko sa pagkakakilig niya. Kahit kelan ay di nagbago ang babaeng ito puro lalaki ang nasa isip. Kung hindi ko sana binagsak ang major subjects ko hindi sana ako nahihirapan ng ganito wala akong iniisip kung di ang collections na ilalabas ko ngayon.
Bumugtong hininga ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Eto na at nangyari na, maibabago ko pa ba ang lahat? Syempre, hindi na diba?
"Tara na nga" hinila ko na si Mild dahil kanina pa siya lumilingon lingon sa kung saan. Sino pa ba ang hinahanap ng babaeng 'to?
"Ano bang nangyayari sayo, Mimie?" at sa unang pagkakataon ulit ay natawag ko siyang mimie. Ang pinaka ayaw niyang pangalan sa lahat. Humalakhak ako. It's time for revenge.
"Hoy! Hindi ako natutuwa sa narinig ko mula sa bibig mo ha!" aba't nagawa niya pa akong ituro. Sino bang nag umpisa huh? Diba siya rin naman?
"Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito! Tinawag mo kong Milk Cherry! Cherry! Cherry Milk kasi yon! Ganon ba kahirap bigkasin ang pangalan ko?" sagot ko naman sakanya. Kanina pa to nakikipag talo sa akin.
"Ganti ganti lang, mimie!" tinawan ko siya at iniwan sa kinatayuan niya. Akala niya matatawag niya pa akong Milk Cherry.
"Bakit? Isang beses lang naman kitang tinawag na Milk Cherry diba?! Tigilan mo na nga ang pag tawag sa akin ng pangalan na ayaw ko!" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Pwes, simulan mo ng ayusin ang pagtawag sa pangalan mo kung ayaw mong tawagin kita sa pangit na pangalan mo!"
"Tama na ang selos, Mild! Umuwi na tayo at marami pa akong pinoproblema sa buhay!" agad siyang tumakbo sa akin at sabay kaming naglakad papunta sa parking lot.
YOU ARE READING
Lethal Politics
Teen FictionThe confident fashionista Cherrymilk was ordered to study Political Science as a punishment from his father. Because of that, it lead her to seek help from the prince-like Xavier, the ambassador of the faculty of Political Science whom she believed...