Chapter 3

1 0 0
                                    

Cheryl's POV

Habang nagmamaneho papuntang school ay di ko maiwasang di mapaisip. Sa lahat lahat ng naging problema ko ito ang pinaka malala sa lahat. Ito ang outstanding, pinaka high, pinaka especial na problema sa lahat!

Laki ako sa isang matayog na pamilya, ang aming angkan ay di gaanong kalakihan, infact kami ang pinaka mayaman sa lahat, pero wala akong pake doon. Makapag aral lang ako ng arts in fashion, okay na okay na ako. Naiintindihan ko kung bakit gusto nilang kunin ko ang kursong political science, ang mommy ko ay isang business owner, CEO kung tawagin habang ang daddy ko naman ay isang ambassador. Walang tanong tanong kung bakit eto ako ngayon pinagpipilitan ang sarili kong aralin ang Political science. Sukang suka na ako sa course na yan, eto na nga muntik ko ng masuka ng buo nang hindi ako umattend sa midterms ng prof kong si Ms. Or Mrs na ba siya si ma'am Pearce lang naman, diba?

Pero, wow! Tadhana!

Ganyan kana ba talaga sa akin? Gaano mo ba ako ka-hate at pilit mo kong nilalayo sa fashion and arts? Bakit binibigyan mo ko ng sakit sa ulo?

Nagpark ako sa pinakamalapit sa entrance ng school. Bago ako bumaba ng sasakyan ay sinuot ko na ang aking cardigan na kulay blue green na katerno ng kulay na suot suot kong kwintas at headband na bulaklakain syempre designed by me. Mahilig ako sa flowers kaya naman, mabulaklak ang suot suot ko ngayon.

Iniwan ko na si nini at kinuha sa backseat ang red kong bag kapares naman ng red kong heels. Tuwing papasok ako ng school hindi pwedeng simpleng uniform lang ang suot suot ko. Hindi yata ako nakakalabas ng bahay ng pangit ang suot ko. I'm always on style. Kaylangan ako ang kakaiba, walang katulad sa lahat ng estudyante dito.

Dumuretso ako sa canteen at doon nagmukmok mag isa.

Hindi ko lubos akalain na ganito ang magiging simula ng buhay ko. Malungkot akong bumili ng pagkain at umupo sa pinaka malayong table kung saan makakapag senti ako ng bonggang bongga.

"Makaka kain ba ako ng maayos sa lagay na 'to?" sabi ko ng simulan kong paglaruan ang vegetable salad gamit ang tinidor ko.

Kung iisipin magiging sobrang lungkot na talaga ng buhay ko pag naiwala ko pa ang daughter kong si Nini, hindi ko na rin mababayaran ang bills ko pag nawala ang mga credit cards ko and the worse part is MAGSASARA NA ANG CHERRY BERRY fashion line ko!

Napahawak ako sa aking ulo.

No no no no no!

Hindi pwedeng mangyari ang bagay na ito! Ngayon, Cheryl! Huminga ako ng malalim at sinagot ang sarili ko. "You have to do it!"

Napapikit ako ng mariin at napabuntong hininga. Paano ko nga makakayanan kung hindi ko naman alam ang mga gagawin. Haaaay! Bakit ba ganito!

Kinuha ko ang tinidor at marahas na tinusok tusok ang mga vegies sa plato ko. "Nakaka inis! Bwisit! Bwisit! Nakaka inis! I'm so stressed you know!"

Hindi ko na namalayang kaharap ko na pala ang bestfriend ko na may dala ring pagkain niya. Hanggang ngayon ay suot niya pa rin yung bigay kong headband na may dalawang malaking bilog sa magkabilang gilid. Ang sabi niya iyon ang pinaka paborito niya sa collections ko kaya naman lahat ng kulay ay meron siya. Araw araw iba ibang kulay ang sinusuot niya o minsan naman yung headband na may malalaking ribbon dahil isa rin yon sa paborito niyang nilabas kong accessories sa ulo bukod pa sa mga lipstick na binibenta ko rin.

"What's wrong with you, Milk Cherry?" Umupo siya sa tabi ko. Mas lalong nadagdagan ang iritasyon ko ng mali niyang bigkasin ang pangalan ko!

"Hays! It's Cherry Milk, anong nangyayari sayo? Ang tagal na nating mag best friend. At least know how to pronounce my name well" I rolled my eyes on her at tumawa lang siya sa akin. Omygosh!

Lethal Politics Where stories live. Discover now