Prologue:

6 1 4
                                    

"Oh my god bessy! Eto na ang pinaka hinihintay ng mga estudyante sa university na to!"

"Aaahhhhh!!!!" sigaw ng isang baklang nag ngangalang Stephen

Si Stephen Salvador  ay kilala sa isa sa pinaka magaling na estudyante sa mass communication.

"Ano kaba mars! Umayos ka nga! Panigurado ay marami ng nanunuod sa live nating 'to"

Umayos ng kanyang pagtindig si Stephen at bahagyang umubo.

"Hello! It's the university's -report!" panimula nilang dalawa

Nagpatuloy ang dalawa sa usapin nila kanina.

"eh kasi naman mars! Eto na talaga! Sino ba naman ang hindi mababaliw? Espesyal na tao ang kakausapin natin ngayon. Hot, Sexy, Handsome, o sige lahat na!" tumingin siya sa camera at nagsalitang muli

"Alam mo ba, Marry. Eto na ang pinakihihintay na episode ng University's Prince Ambassador dahil sa wakas ay may bago ng kokoronahang lalaki sa political science faculty!"


"at hindi lang yan!" dugtong ni Marry

Si Marry Gomez ay presidente ng kanilang student council sa kanilang faculty. Isa din siya sa pinaka sikat na U - Reporter sa buong unibersidad.

"Syempre hinihintay na rin nila ang exclusive interview mula kay Xavier sa araw na 'to!"

At nagsimula nanaman silang sumigaw ng dahil sa kilig. lumingon lingon sa paligid si Stephen para hanapin ang sinasabing bagong ambassador ng kanilang unibersidad.

"Eh tekka lang, mars! Asaan na ba si Xavier?"

"Hindi basta bastang makakausap si Xavier dahil ayon sa ibang U-prince ambassadors ay kaylangan ng appointment o queue para makausap siya"

Nalaglag ang panga ni Stephen sa narinig niya mula kay Marry

"Pero wag kang mag alala diyan mars! Ako ang bahala! We will try our very best para mainterview atin si Xavier!"

Tumango tango si Stephen sa narinig at pumalakpak pa.

"Tama Tama! Para sa ating very lovely madlang students gagawin namin ang lahat para makausap si Xavier"

Walang sabi-sabing lumitaw ang sinasabing si Xavier na naglalakad malapit sa kanila. Tumakbo ang dalawa palapit dito, hindi na baling magulo ang filming ang mahalaga ay mainterview nila ito.

"HELLO! OMYGOD! OMYGOD! HELLO!" paulit ulit na sigaw ni Stephen sa harap ni Xavier

Biglang hinampas ni Marry ang katabing si Stephen para magtigil ito. Agad na umayos ang kanyang pag iisip at humingi ng sorry.

"Hello, Xavier!" kumaway si Marry kay Xavier at ngumiti. Ngunit, isang ekspresyon lang ang ibinigay nito. Ngunit isang ekspresyon lang ang kanyang ibinigay. Parehong magkasalubong ang kilay ni Xavier sa dalawa.

"Can we interview you?" tanong ni Marry. Nagkatinginan si Stephen at Marry at di malaman ang gagawin.

"This way please" umabante silang tatlo at maayos silang kinukunan sa Live na ginagawa nila sa Facebook.

"Dahil si Xavier ang ating iinterviewhin natin ngayon, pipilitin ko pong mag English para mas maintindihan niya tayo ng bongga. Dahil alam niyo bang English and Spanish ang salitang ginagamit niya?" singit ni Stephen habang naka harap sa camera

"I told you. I don't want to be interviewed. I'm not interested on it" masungit na sagot ni Xavier sakanila

Napawi ang ngiti sa kanilang mga labi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lethal Politics Where stories live. Discover now