Chapter 2

1 0 0
                                    

Cheryl's POV

"Ms. Ahmm Mrs.? Ms. Mrs?"

"Ma'am Pearce, please help me!" nagmamaka awang sabi ko sa aming faculty director at isa ko pang professor sa major subject ko sa Political Science. Hindi ko talaga inaasahang ganito ang mang yayari sa akin.

Nag aaral naman akong mabuti? Sa arts in fashion design nga lang. Bahagya akong natawa sa sinabi ko.

"At talagang masaya ka pa, Ms. Vosbein" mabilis akong napa iling.

"Mali po ang iniisip niyo" protesta ko sakanya. "Please professor, help me. Help me please!"

Napahawak na ako sa aking kina uupuan. Paano ko ipapasa ang subject na to? Correction! Ang pinaka ayaw kong subject!

"Hindi po ako pwedeng makakuha ng F sa major subject ko. Kung malalaman ni Daddy, hindi ko na alam ang gagawin ko. He would be very very angry!" lahat yata ng hand gestures ng tao nagawa ko na sa harapan niya.

Sa pagkakataon na to isa lang talaga ang naiisip ko. Umarteng hindi ko na talaga kaya, wala ng magawa at mag maka awa pa ng husto. I'm a queen for this scene. Nag drama club yata ako noong highschool ako.

"Why do you have to say english words in tagalog sentences with me, Cheryl?" tumaas ang kanyang kilay at napatunganga nalang ako sa sinabi ng prof ko. Edi english nalang! Ang arte naman ng prof ko na 'to. Kung wala lang talaga akong problema sakanya edi sana wala ako dito ngayon diba?

"You can call me Cherry Milk. It's more easy" ngumiti ako pero mukhang ayaw niya talagang ngumiti kahit kaonti sa akin.

"I can tell you the truth... " Binaling sa akin ni Ms. Pearce ang kanyang buong antensyon at tinitigan ako. Umayos ako ng pagkakaupo. Pinagdikit ko ang aking dalawang palad sa aking hita at huminga ng malalim. Kaya mo yan, Cheryl.

"The unavoidable incident that made me miss the midterm exams..." pumikit ako at huminga ulit ng malalim. "The truth is... " tiningnan ko si Ms. Pearce na seryoso ang tingin sa akin habang inaabangan ang sasabihin ko.

"I..." Itinaas ko ang aking navy blue sweater at blouse sa ilalim nito para ipakita sakanya ang naka bandage kong sugat. "I've got appendicitis.. Look. It still hurts" hinawakan ko iyon at nagreklamong masakit pa iyon.

Nanliit ang mata ni Ms. Pearce sa akin at agad namang kumunot ang noo ko sa kanyang reaksyon. Is it working?

"How could you have the appendicitis on the left side of your body?" halos manlumo ako sa sinabi niya sa akin. Agad akong napaupo sa aking kinauupuan at di malaman ang gagawin.

Ang tanga mo talaga, Cheryl! Ito na nga lang mag liligtas sayo,pinahamak mo pa?! Kinagat ko ang isang daliri ko at nag isip ng sasabihin.

"It's a limited edition one" ngumuso ako. Please, gumana ka naman ngayon! "Kakadiscover lang po sa akin niyan noong nagpa check up ako" ngumiti ako at binagsak ang mata ko sa puting tiles ng buong silid.

"When you attend those fashion classes, sana naman may natututunan ka. You must learn special effect techniques" napa iling si Ms. Pearce sa akin.

Yumuko ako at humingi ng patawad sa kanya. Halos manlaki ang mata ko ng maalala ang sinabi niya sa akin. Paano niya nalaman? "Alam niyo pong umaattend ako ng fashion classes?" tumango tango sa akin si Ms. Pearce

Paano nangyari yon? Ako lang ang nakaka alam non at ang bestfriend ko. "Cheryl, no doubts you have talent in fashion. I admit that your fashion line 'Cherry Berry' is very beautiful" ipinakita sa akin ni Ms. Pearce ang binili niyang Keychain na nakasabit sa kanyang itim na leather bag. Kung tutuusin ay maganda naman talaga si Ms. Pearce, isa pa maganda rin ang fashion sense niya. Pareho kami kaya walang dudang bumibili siya ng produkto ko.

Lethal Politics Where stories live. Discover now