Mickaella POV
Gosh! Ano ba toh? Kailangan ba talagang ganto? Hindi ko kaya. Sabi ko sa sarili ko.
Nakikipagbreak ang boyfriend ko sakin sa text? Seriously? Pero bakit? Anong dahilan niya? Hes name is Luis, hes handsome and gentleman kaya nga ko nainlove e. Pero bakit ngayon nakikipagbreak siya? At sa text pa, di ba niya ako kayang kausapin ng harapan? Gosh! Mahal ko siya pero ito ang gusto niya, edi ok ibibigay ko, dito siya masaya e. Nararamdaman ko nalang na pumapatak na pala ang luha ko.
Luis
Sorry but its over now, i dont like you anymore. May gusto na kong iba.
Sa tagal ng pinagsamahan namin, Magwa-one year na kami netong lalaking to. Pero its over na daw e, pinipilit kong hindi umiyak at sagutin yung text niya
Mickaella
Yeah let's stop this relationship. Sa totoo lang i cheated you in one year. May gusto naman talaga akong iba e, napilitan lang ako na sagutin ka kasi pinipilit ako ng kaibigan ko, kung di naman nila ako pinilit hindi naman talaga kita sasagutin. I dont really like you, buti nga tumagal pa tayo. Natiis ko pa yang pagmumukha mo. Sa ganda kong to, pasalamat ka nga pinatulan pa kita.
Oh ano ka ngayon? Bulong sa sarili ko.
Kaya ko na mabuhay na wala ka. Uso kaya ngayon ang salitang MOVE ON. Dagdag ko
Hindi na niya ko tinext ulit, hindi ko na napigilan na umiyak ng umiyak mahal ko naman kasi talaga yung mokong na yun eh. Pero wala na kong magagawa, may gusto na siyang iba e.
Okay, forget that i can move on, kakayanin ko to. Kaya ko ng wala siya, kakayanin ko. Nanjan naman mga friends ko eh.
Oo nga pala bukas na yung finals namin, sana naman makapasama ako, alam ko naman na di ako matalino at kakailanganin ko ng tulobg ng kuya ko. Hes name is Kenneth Gabriel, and yes matalino siya buti nga yun eh may libre akong tutor. Sakanya ako lagi nagpapatulong at siya palagi ang kasama ko sa pagrereview. Hayy! walang makakatalo sa kanya sa pagiging matalino parang wala akong makita na kaya siyang palitan sa pwesto niya.
Sabay sabay kaming pumasok ng mga kaibigan ko na si Ashley, Ehricka and Kim. Actually kami na yung magkakasama simula nung highschool hanggang ngayon. True friends nga eh, yun nga lang minsan lang sila normal.
Test na namin, kinakabahan ako di ko alam kung makakapasa ba ko. Pero kakayanin ko FIGHTING
"GoodLuck Class, isipin niyo ng mabuti ang mga isasagot niyo. You can all pass this, kung gugustuhin niyo" Sabi ng teacher namin.
Natapos ang ilang subject, at feeling ko naman na kinaya ko yung mga tanong at tama ATA ang mga sagot ako. ATA lang di ko sinabing tama ah, pero sana tama nga.
Natapos na lahat ng subject. Gosh! Muntik na pumutok utak ko dun, buti nalang at may nagtutor sakin.
Pauwi na kami ng mga kaibigan ko.
"Ahhhhhhhhhhh" Sigaw ni Ehricka, si Ehricka ang pinakabaliw sa grupo namin. Alam ko na kung bakit tumili to e, nakakita na naman ata ng gwapo, suss palagi naman e wag na kayong magtataka
"Oh ano na naman ang nangyari sayo? Sinong lalaki na naman ang nakita mo?" Sabi ni Kim
"Hayy naku! Di ka na nasanay sa babaeng yan Kim, puro gwapo lang lagi niyang nakikita e" sabi naman ni Ashley
"Aiisst! Sigurado gwapo na naman yang nakita nia" sabi ko naman
"Ayy grabe kayo sakin, pagtulungan ba naman ako? Ganun nalang? Hahaha oo na, gwapo na ulit nakita. Sobrang gwapo girls. And magiging classmate daw natin siya. Lumipat siya daw siya dito, at eto pa gwapo na matalino pa at famous pa daw o san ka pa di ba? All in one na." Sagot samin ni Ehricka
YOU ARE READING
My Famous Boyfriend
RandomSecond time to write a story. Sorry kasi di ko natapos yung isa, haha di na kinaya ng utak ko eh. Pero this time i think kakayanin ko na kasi dalawa lang ang bida. I need your support guys. Anyways, wish me luck. Thank you, lets spread this. KAMSAHI...