Chapter 2

451 14 0
                                    

"hoo! natapos din,  ahh daming tao ngayon no?"

"sana ganto karami araw-araw yung customers para makabukas agad ng bagong branch, diba?"
sabay taas nang kanyang dalawang kilay habang kausap si Diana

"hay ewan ko sayo wesley kung ganto karami yung customers natin everyday baka naman mangayayat na tayo niyan, wala na tayong pahinga?"
ang di niya pagsang ayon sa kaibigan

"kahit kelan talaga napaka mo, no? hmm!"
birong aambahan niya to ng kutos tumawa lang si Diana sa ginawa ng kaibigan

"Mabuti pa mauna na kayo ako ng bahalang tumapos nito konti na man lang ang aayusin ehh,"
pagtataboy niya sa mga ito

"sige na chupe, layas.. hahaha agahan niyo na lang bukas, ok?"
ayaw sanang pumayag ni wesley kaso nakita niya kung gano kadeterminadong mag paiwan ang kaibigan malamang ay iniiwasan lang nito ang ama upang hindi siya kumbinsihin na isara ang kanyang negosyo matagal na nilang pangarap ng kanyang ina

"Uuwi ka ba sa inyo?  o sa condo ka tutuloy?"

"I don't know, kung maaga akong matatapos dito siguro uwi ako sa bahay pero kung hindi sa condo na lang ako hirap kasi kung uuwi pa ko then maagang gigising babyahe pa ng malayo nakakapagod"

"Dati naman kahit gano ka late umuuwi ka sainyo eh."

"Dati yun iba na ngayon"

"Nakakapagod nga ba o sadyang iniiwasan mo lang si Tito?"

itinigil niya ang kanyang ginagawa at hinarap ang kaibigan sa tingin niya'y alam na niya kung saan patungo ang usapan

"Wesley, napag usapan na natin to diba?"

"Huh? napag usapan anong ibig mong sabihin?" maang na tanong niya

"Alam ko na kasi kung saan papunta ang usapan, ilang beses na tong nangyare doon at doon rin naman ang patutunguhan nito!  kaya please! "
pakiusap niya sa kaibigan dahil ayaw niyang sariwain ulit ang mga nangyare

"Ba't di mo pa kasi ma let go, kailan mo ba matatangap huh? mag move on kana ang tagal na nangyare yun eh"
paghihikayat niya sa kanyang kaibigan dahil siya mismo ay nahihirapan at nasaksaktan para rito.

Galit na hinarap niya si wesley

"No! ilang beses ko bang sasabihin sayo na hinding hindi ko yun matatanggap hangga't hindi ko nalalaman ang katotohanan, sa tingin mo ba ganun lang kadali yun huh? hindi wesley ang hirap dahil hanggang ngayon masakit parin dito" turo niya sa kanyang dibdib

"at hindi parin maalis alis sa isip ko ang lahat ng nanyare, mahirap, masakit, wesley masakit"
at doon na bumuhos ang kanyang luha dali dali naman siyang niyakap ng kaibigan upang pagaanin ang loob

"it's okay, let it out, nandito lang ako"
makalipas ang ilang minuto ay nahimasmasan na ang kaibigan minabuti nilang ipagpabukas na lang ang pag aayos at hinatid na niya ang kaibigan sa condo nito.

Nang marating nila ang building ay mag papaalam na sana ang dalaga ngunit pinigilan niya ito

"Sandali"
tanging tingin lang ang tugon sa kanya dahil narin sa pagod at pag iyak kanina kaya itinuloy na niya ang kanyang sasabihin rito.

"Diba malapit ng mag fiesta sa San Ramon? bakit hindi ka muna magpahinga at magbakasyon don?"
suhestiyon niya umaasang pakikingan siya sa pagkakataong iyon para narin makalimot ito kahit papano dahil simula ng mangyari iyon hindi na ito tumigil sa trabaho at hindi rin nito pinapakinggang ang kanilang sinasabing magbaskayon ito.

Naging workaholic siya pagkatapos ng nangyare noong mga nakaraang taon sa pagtatrabaho niya iginugol ang kanyang oras upang hindi maisip ang mga nangyare. Umabot na sa puntong siya ay na confine dahil sa sobrang patatrabaho dalawang linggo din siyang naospital, simula nang nangyareng iyon ay Pinipilit na siya ng kanyang ama na isara na ang resto upang sa kompanya na magtrabaho para narin mabantayan siya nito, at dahil narin sa likas na, matigas ang kanyang ulo ay hanggang ngayon hindi parin siya napipilit ng Ama.

"Ley next month pa ang fiesta ng San Ramon!"
hindi nakapaniwalang sagot niya rito

"Parang gustong gusto mo na akong paalisin ah, ayaw mo na kong makita?"
natatawang tanong niya rito.

"Nag aalala lang kame ni Tito sa'yo kailan mo ba kame mapagbibigyan? ang tagal na naming nakikiusap eh!"
habang tinititigan ang kaibigan naawa siya rito dahil mukhang pagod na pagod na ito sa kakaintindi sa kanya

"Ok fine, the day after tomorrow aalis ako,  may aasikasuhin lang ako bukas. hindi na rin ako papasok, hmm ok na?"
pag aassure niya sa kaibigan

"Good ako ng bahala sa resto., hindi na ko makapaghintay na makaalis ka hahaha"

"Gago umalis ka na nga goodnight"

"Goodnight" "and call your dad" matutuwa iyon.

"Yeah , I will"
----------
Maaga siyang gumising para kunin ang inorder niyang bulaklak

"Hi! I'm here to pick up my order"

"Oh yeah, it's ready"

kinuha ng florist ang katatapos niya palang i arrange na bulaklak

"here"

"It's beautiful, siguradong magugustuhan niya to,  thanks I'll go ahead"

Bumuntong hininga siya nang makarating siya sa kanyang destinasyon, tumungin muna sa salamin at inayos ang sarili bago kinuha ang bulaklak na nasa katabing upuan, ng makalabas siya'y hinanap na niya ang kanyang pakay.

"Hey! flowers for you, do you like it" at tumawa
"I made sure that the florist will arrange it the you like it, I miss you so much!"

mahigit kalahating oras pa siyang namalagi't nakipag kwentuhan dito.

" I have to go! by the way I'm going to San Ramon tomorrow, so that means I won't  be visiting you for the mean time,  but I won't be long so don't get mad ok? Love You"
----------

Change of Heart (frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon