Venus Lucero's Point of ViewVenus, planet name of Aphrodite, doon daw nakuha ang pangalan ko sabi ni mama. Dahilan nila ay ako daw ang nagmamadali pero napakagandang blessing na dumating sa buhay nila, kaya iginaya ang pangalan ko sa Goddess of Beauty.
My mom got pregnant when she was 18, napakabata pero pinili nyang ipaglaban ako dahil hindi pa man daw ako lumalabas tila inutusan ko na daw sya na mahalin ako ng sobra.
Who would've known.. ang kapalarang yon, kapalaran ko din pala.
"Mamaaaaaaaaaa!!" Pawis na pawis akong napabangon mula sa pagkakahiga. Kinapa kapa ko pa ang tsan ko para makita kung totoo nga ba ang napanaginipan ko. Isang maluwang na paghinga ang nailabas ko ng mapagtantong panaginip lamang talaga iyon. Hindi ako buntis. Makulay na juice, anong klaseng panaginip ba naman kasi yon ha?!!
Tuyo ang aking lalamunan at masakit dahil narin siguro sa pagsigaw ko kanina. Pakiramdam ko iniwanan ng kaluluwa ko ang katawang lupa ko dahil doon.
Grade 5 palang ako at ni hindi pa ako nireregla kaya wala talaga akong alam sa buntis buntis na iyan.
"Venus bakit? Bakit? Anong nangyari??" Tumatakbo at hingal na hingal na nakarating si mama sa kwarto ko.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin iyon o hindi. Napakabata ko pa para makapanaginip ng ganon pero.. baliwalain nalang natin, tama. Bata pa ako.
"Hay nako kang bata ka, ayan kasi. Diba' t binilinan kitang magdasal palagi bago matulog??"
"E nagpray naman po ako mama ii."
"Oh sya sya. Halika na, nagluto na ako ng paburito mong sopas pang umagahan."
Pagkarinig noon ay inunahan ko pa si mama pababa dahil sa patakbo na akong lumabas ng kwarto. Mula dito ay amoy na amoy ko na ang bango ng sopas na niluto nyaa.
"Hmmmmm. Sawap naman nitoooo mamaaaa."
"Nakuu syempre, para sa anak kong maganda."
Maganda.. nginitian ko nalamang sya at kumain na ng madami.
Sa paningin lang naman ako ni mama maganda.. para sa iba, naiiba ang hitsura ko.. dayuhan ako kung ituring nila, hindi kapareho at lalong hindi kabilang sa kanila.
Matapos kumain ay naligo na ako at nagbihis. Grade 5 na ako at pangalawang taon ko ng magaaral sa iskwelehang pinapasukan ko. Palagi akong nabubully roon pero hindi alam ng mama ko, nakakainis ang mga batang iyon, hindi ko naman sila inaano pero lagi akong inaaway at sinasabihan ng masasamang bagay.
"Good morning Venus." bati ng kaibigan kong si Gwen. Nag iisa at matibay kong kaibigan, meron syang pinsan na kaklase din namin pero di ko napapansin dahil di naman ako pinapansin. Si Daryl, makulit at maingay, napakalayo sa mga taong gusto kong makausap.
"Good morning din Gweeen. Namiss kitaa." saka kami nagyakapan ng sobrang higpit.
Nagkamustahan pa kami at nagkwentuhan tungkol sa bakasyon habang wala pa yung teacher namin.
"Good morning class, as I call your name, stand up and introduce yourself."
"Yes maam "
"Abueva." "Anderson." Tuloy tuloy si maam at nasa letter L na sya. "Lastimosa." "Lopez." Agad na tumayo si Daryl nang marinig nya ang apilyedo.
"Daryl Xaviet Lopez" pag ka pakilala ay naupo na ito kaagad.
"Lucero." Tawag ni maam at ako na nga yoon.
Pagkatayo ay narinig ko ang malakas na tawanan ng mga nasa likuran. Napatingin ako sa kanila ng may pagtataka. Pagtingin ko sa harap ay nakita ko ang lihim na pagtawa ng aming guro.
Galit na nakatingin si Gwen sa likuran ko saka may hinablot na papel doon.
Binasa ko ito. Ang nanay ko ay Pokpok.
Nagtiim bagang ako sa nabasa. Ayos lang saakin na ako ang inaasar at ginagawan nila ng masama pero ang mama ko, hindi dapat nila ito idamay..
Puno ng galit at nanlilisik ang mga matang tinitigan ko ang bawat taong nakita kong tumawa.
"Wala kayong alam. Sino kayo para husgahan kami ng mama ko ng ganito!! Humanda kayong lahat. Pagsisihan nyo ito!"
"Oh? Talaga? San banda namin pagsisisihan??"
"HAHAHAHAHA lalaban ka? Wala ka namang binatbat ee!"
Tinignan ko si ma'am na walang ginawa kundi palihim lang na tumatawa at di manlang magsuway ng mga bata.
"Tandaan mo tong araw nato. "
Saka ako nagtatakbo palabas ng school hanggang makarating ako sa kalsada. Punong puno na ako, galit na galit.Hinihigop ako ng kung ano at hindi ko na alam kung san dinadala ng mga paa ko hanggang sa mapatingin na lamang ako sa harapan kong may nakakasilaw na liwanag. Tila naistatwa ako at hindi makatakbo palayo sa papunta saakin.. isa lang ang huli kong narinig bago maging itim ang lahat ng paligid. "VENUS!"
📖