Venus Lucero's Point of View
Puti ang lahat ng nasa paligid. Teka, itim lang ito kanina ah? Paano naging puti? Nasilaw ako ng magmulat ang aking mga mata. Amoy na amoy ko ang ethanol sa paligid.
Nasaan ako?
Mayroong makinang tumutunog sa tabi ko na nakakonekta sa kung anong nakalagay dito sa daliri ko. Meron pang nakalagay sa ilong ko na sa palagay ko ay oxygen.
Walang tao sa paligid. Ako lamang ang nandidito.
Sinubukan kong umupo at maayos ko namang naiupo ang sarili ko. Bakit ba ako nandito?
"Venus.." napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko na kakapasok lang. Si mama, nakaputi itong bistida at nakasumbrero ng itim.
"Saan ka galing mama? Nasaan po tayo?"
"A-anak.. wag mo munang isip yan.. ang mahalaga ay gising kana.." batid ko ang sakit na nararamdaman nya dahil sa luhang pumatak mula sa mga mata nya. Niyakap ako nito ng mabilis at sobrang higpit.
"Mama.. okay lang ako. Ano po ba ang nangyari?"
NaRamdaman ko ang sakit sa bawat haplos nya ng palad ko. Nasasaktan sya..
Lumipas ang ilang araw at napag alaman kong isang Buwan na din pala akong natutulog dito magmula nung magising ako. Bumisita na ang principal namin at humingi ng tawad. Pero wala akong kaklase at teacher na dumating.. bakit ko nga ba sila aasahan? Pero ang nakakalungkot, maging ang kaibigan ko ay hindi manlang ako dinadalaw dito.
"Totoo nga yung balita, gising kana." Pumasok si Daryl sa kwartong puti habang nakatingin saakin.
"Kamusta naman dito? Hindi ka ba nababagot?" Unang beses nya pa lang ako kausapin.. hindi ko alam kung dapat ko ba syang sagutin o wag pansinin.
"Nadamage ba ang dila mo at hindi ka makapagsalita??" Nagaalala pero naiinis nyang tanong.
Wala si mama dito ngayon dahil nasa trabaho sya. Bakit nga ba nandito ang isang to?
Narinig ko ang pag buntong hininga nya.
"Nandito ako dahil sinabihan nya akong wag kang pabayaan." Nagtataka ko namang ibinaling ang tingin ko sakanya."Anong ibig mong sabihin?"
"Tsk, magsasalita ka din naman pala e."
Lumabas sya at pagpasok nya ay may kasama na syang nurse na may dalang wheel chair.
"Para saan yan?"
"Dahil di kapa nakakalakad sasakay ka muna dito."
Tinulungan kami nung nurse para makasakay ako don. Narinig ko pa ang pagsabi nya ng sya na raw ang bahala saakin.
"Saan moko dadalhin?"
"Sa katotohanan.."
"May lugar bang ganon??"
"Hmm. Manahimik ka nalang. Dami mo namang tanong e."
Ano daw? Kanina ay pinipilit nya akong magsalita.. tapos ngayon ayaw nya akong magsalita? Hindi ko din maintindihan ang batang ito. Panoo kaya sila naging magpinsan ni Gwen??
Tumigil kami sa isang parke. Parke siguro ito dito sa hospital.
Umupo sya sa tabi ko at hinawakan nya ang mga kamay ko. Nagulat pa ako kaya binawi ko ito. Pero sinamaan nya ako ng tingin at sinabihang kakailanganko daw iyon.
"A-ano.. ahmm.. kamusta na si Gwen?" Pagtatanong ko dito para hindi na mabaling ang tingin ko sa ginawa nya.
Hindi sagot pero iyak ang narinig ko mula sakanya.
"Mangako ka saakin na hindi mo sisisihin ang sarili mo dahil sa sasabihin ko.."
"Ano? Bakit naman??" Naguguluhang tanong ko dito
"Wa.. wala na si Gwen.."
"Saan sya nagpunta??" Ito siguro yung sinasabi ni Gwen noon saakin na aalis sila ng mga magulang nya.
Niyakap nya ako bigla.
"Patay na si Gwen, Venus.."
"Hindi ako naniniwala." Tinulak ko sya palayo "wag ka nga magbiro ng ganyan Daryl! Napakabata pa nya."
"Sana naisip mo din yan nung nasa gitna ka ng daan at nadaplisan lang ng sasakyan, na bata ka pa para magpakamatay!"
"Hindi.. hindi ako nagpapakamatay at hindi ko kelan man gagawin yon!!"
"Hindi?? Pero anong ginawa mo don? Sinundan ka ni Gwen! Sinundan kanya!! Tapos ano?? Tinulak ka nya para sya ang masagasaan at hindi ikaw!"
"Hindi. Hindi totoo yan.."
"Totoo Venus! Alam mo ba sinisisi kita dahil sa nangyari sakanya pero naghihingalo na sya at lahat lahat ikaw parin ang iniisip nya!!" Umiiyak na kaming pareho at bigla na lamang syang natawa. "At alam mo kung anong nakakatawa?? Ang sabi nya, dapat daw wag kitang pabayaan. Dapat daw alagaan kita. Wag ko daw sayangin ang buhay nya para iligtas ka. Pero alam mo? Alam mo satingin ko para sayo yon. Wag mong sayangin yang buhay na binigay nya sayo. Panindigan mo."
Pagbigkas nya ng mga huling salitang sinabi nya ay tumayo sya at nagtatakbo palayo.
Hindi magkamayaw ang sunod sunod na mga luhang kumakawala sa mga mata ko. Bakit.. bakit mo ginawa yon Gwen.. 😭🙇
Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya. Nahulog ako sa wheel chair ng umiiyak at ramdam ang kawalan ng pag asa. Gumapang ako pabalik sa wheel chair pero wala. Pagkapit ko dito ay sunod itong natumba.
Karapatdapat ba ako para sa ibinuwis mo Gwen.. karapatdapat ba ako..
Stand Venus..
Tila bulong na umihip kasabay ng hangin ang narinig kong iyon. Hindi ko alam kung saan nanggaling pero nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil doon.
Lumipas na ang isang buwan at nakakalakad na ako. Bumalik sya, noong araw nayon. Bumalik si Daryl at tinulungan akong tumayo. Alam ko nariyan lang sya dahil kay Gwen pero nagpapasalamat ako dahil nandyan sya. Sya ang nagsilbing paa ko nung mga nakaraang araw, tinuruan nya ako at hindi iniwanan.
"Marunong kana. Sawakas. Akala ko isang taon ka pa bago matuto ee. Magiging proud si Gwen sakin nito."
Masaya pero nang mabanggit nya ang panglan ni Gwen ay bumigat ang atmospera.
"Salamat sa lahat Daryl.. sana mapatawad mo ako sa ginawa ko noon.."
Tumango tango lamang sya at nagpaalam na. Araw na din ng pag uwi namin ngayon ni mama sa bahay. Uuwi na ako at doon na muna mag aaral sa bahay. Home school daw. Babalik nalang daw ako sa Grade 6 sa school para makasanayan kong muli.
"I am able to Stand Gwen.. I am able to live.. thank you kaibigan ko. Salamat sa lahat lahat.." pumatak ang isang luha.. "hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang ibinuwis mo."
📖