HOME

38 15 22
                                    

Venus Lucero's Point of View


"UWAAAAAA!!"  Napatalon ako padapa sa kama ko na miss na miss ko na. Tagal kong hinintaaaaaay makauwiiii. Nandito na ako ulit sa piling ni mama, ayaw ko nadon sa Korea, kay papa. Nakakabagot din dahil wala naman akong gaanong kakilala pero ang mamimiss ko doon ay ang mga prebilehiyong makapunta sa mga concerts ng K-Idols, living the life every fan girls dream ang tema ko doon pero syempre malungkot dahil wala naman si mama don at si Daryl.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagchat sa isa sa mga unang taong gusto ko makasama ngayon dito sa Pilipinas.

Phone ringing on the other line**

"Hello? Who's this?" He said that with calm and husky voice.

Halla gago? Bat ganon boses nito?

Kinikilig ako? Halla?

Sasagot na sana ako ng bigla nya itong patayin.

😕 wtf. Did he just hang up on me?

Tinawagan ko sya ulit. Tatlong beses na tawag bago nya muling sinagot at nagulat ako sa lakas ng boses nya. "What?! Aga aga, tatawag tawag tas hindi magsasalita?! Who the hell are you??"

Napalunok ako sa kaba. Shems.

"A.. ano.. si Kwan to.. si Ven.."

"Ven? Sinong Ven?"

" I.. I mean.. Venus.."

"Ohhh.. Veeeeen. Sorry.. sorry.. alam mo naman ako pag bagong gising. Bat ba kasi di ka nagsasalitang loka loka ka?" Sa isang hudyat .. naging soft ang boses nya. Hoo. Napahinga ako ng malalim, that is a relief. "By the way bat ka napatawag my not so MIA (missing in action) best friend??"

"Wow ha Ryl. Ako pa talaga ang missing in action?"

"Oo, ikaw talaga. Ikaw nangiwan ee."

I was taken a back by what he have said.

"H-hoy.. I did not leave you. Alam mo naman ang reason kung bat ako umalis."

Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nya bago sya nagsalita.
"Tsk.. oo na. But still, you chose to leave me.."

"Ang dramaaa ng best frieeend kooo. Nakauwi na ako.. makakabawi na ako sayo."

He paused.. "What?"

"I said.. I'm home.."

Pagkasabi ko noon ay pinagalitan nya pa ako kung bat ngayon ko lang sinabi, hindi nya daw tuloy ako nasundo sa airport. Sinabi ko namang surprise ito kaya ganoon pero sad to say, nandito ako pero nasa Manila naman sya.


Morning, afternoon and night. Nagchachat na kami. Parang bumalik yung closeness namin, I don't feel awkward na. Sabi ko na nga ba at naaaning lang ako nung unang marinig ko ang boses nya nung tinawagan ko sya pag dating ko dito. Bat naman ako kikiligin diba??


Next week. Next week pa uuwi ang kolokoy nayon dito. Nabanggit nya nga na wala na daw sila nung jowa nya. Hay nako, naiyak iyak din yon noon ee. Pero mukang nakamove on naman na daw sya ika nya nga.


Ano kaya ang pakiramdam ng mahalin ng isang Daryl Xaviet Lopez? I heard he is sweet. Bat ganon? Parang meron sa Puso ko na sinisigaw na gusto ko maranasan yon? Maygaaaas.


Ano ba naman tong Iniisip ko? Hay nako.

📖

Fell In Love With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon