Oras ng siyesta.
Tinatapos ko na ang aking pagtututos sa imahe ng isang anghel.
Nakaramdam ako ng pagkabagot. Matatapos na ang imahe ng anghel na ginagawa ko.
Napakarami ko ng imahe na nagawa gamit ang pagtututos. Nung nakaraang dalawang linggo lang ay natapos ko ang imahe ng pulang rosas.
Nauubusan na ako ng mga imahe na gagayahin para sa pagtututos ko.
Sa susunod na linggo pa rin ang dating ng mga librong ipinabili ko kay ama.
Nabasa ko na nang ilang beses ang mga librong nasa kuwarto ko. Kabisado ko na ata ang bawat linya ng mga tauhan.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Tapos ko na ang ginagawa ko.
"Siya nga pala! Nandito ako tuwing alas-siyete ng umaga! Handa akong turuan ka kung maging interesado ka!"
Naalala ko ang sinabi ni Mateo.
Oo, interesado ako sa paghawak ng baril.
Pero hindi ko alam kung handa ba akong matuto ng paggamit nito.
May isang gabi pa ako para pag-isipan ang sinabi ni Heneral Mateo.
Sa ngayon ay mag-iisip muna ako ng puwede kong gawin.
Naupo muna ako saglit sa kinauupuan ko kanina at nag-isip-isip.
Alam ko na.
Magtatanim muna ako ng mga buto na dapat itatanim ni ina.
Mahilig ang aking ina sa paghahalaman kaya naman naisipan kong magtanim muna ng mga halamang dapat na itatanim niya.
Palagay ko'y matutuwa siya kapag nalaman niyang naghahalaman ako. Ilang beses na niya kasing sinubukan na pilitin akong gustuhin itong hilig niya ngunit ayaw ko talaga.
Bibigyan ko lang muli ng pagkakataon ang sarili ko na gustuhin ang paghahalaman.
Nagtungo ako sa likod ng bahay kung nasaan ang mirador.
Nag-ikot-ikot ako upang mahanap ang mga gamit pang halaman ni ina ngunit hindi ko ito makita.
Saktong may dumaan namang lalaki na sa tingin ko ay hardinero sa aming hacienda. May dala kasi siyang banga na may tubig at isang tabo. Mukhang magdidilig ito ng mga halaman.
Hindi ako palalabas ng aming bahay kaya naman hindi ko gaanong kilala ang mga tao sa aming paligid.
Tinawag ko ito at lumapit naman ito sa akin.
"Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo Señorita Victoria?" bungad nito pagkalapit niya sa akin.
"Alam mo ba kung saan nakalagay ang mga gamit-pananim ni ina?"
"Opo, señorita," tugon nito.
"Maari mo bang ituro sa akin kung nasaan ito? Nais ko sanang maghalaman," tanong ko sa kanya.
"Maari po, señorita. Sumunod po kayo sa akin," pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay tumalikod na siya at agad na naglakad. Sinundan ko siya hanggang sa marating namin ang isang kubo. Hindi ito isang bahay.
Mapapansin mong maliit lang ito. Sapat na upang maging lagayan ng mga gamit.
Binuksan niya ang pinto nito at bumungad ang iba't ibang gamit sa pagtatanim na nakasabit sa dingding.
BINABASA MO ANG
Victoria de Victoria
Historical FictionMay mga bagay na kahit anong pilit hinding-hindi mo ito makakamit ngunit tandaan mong ang lahat ng pait at sakit ay may sayang kapalit. ____________________________ Date Started: July 01, 2019 Date Finished: [On-going] Historical Fiction/Romance dim...