Ilang araw na ang nakalipas mula ng pumunta ako sa lugar kung saan nag-eensayo ang mga magkakapatid na Buenaventura ng kanilang paggamit ng baril.
Ilang araw na rin akong kinukulit at pinipilit ni Laura na may nararamdaman daw ako para kay Heneral Mateo.
Siyempre bilang tugon ko ay iiling lamang ako.
Hinding-hindi na muli ako babalik doon upang mag-ensayo ng paggamit ng baril.
Hindi na nga ba?
Hindi ko alam.
Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa gulo ng utak ko.
Noong makita ko na asintadong-asintado ang pagkakatama ng bala sa gitnang bahagi ng tudlaan ay nangibabaw ang pagkagusto kong matuto ng asintadong paggamit ng baril.
Gusto ko muling makita ang sarili ko na hawak ang baril at
Umiling-iling ako.
Masiyado na akong binabagabag ng bagay na ito.
Kailangan ko ng ilihis ang atensyon kong ito sa ibang gawain.
Alas-otso pa lang ng umaga at wala na kaming gagawin pa sa loob ng bahay.
Bagot na bagot na ako rito sa aking kuwarto. Kanina pa ako nakatunganga sa bintana rito.
Mamalengke na lang kaya ako para sa kakainin namin mamayang tanghalian?
Tumayo ako sa aking kinauupuan at agad na hinanap si Marites sa baba.
Si Marites ay may sariling kuwarto sa ibaba. Kuwarto ito para sa mga katulong na naninilbihan sa aming tahanan.
Agad akong nagtungo roon upang hanapin siya at magpasama sa pamamalengke ngunit pagbukas ko ng pinto ay wala siya rito.
Dumiretso naman ako sa kusina ngunit wala rin siya rito.
Lumabas ako papuntang likod-bahay baka sakaling siya ay nasa mirador ngunit wala rin siya rito.
Nasaan si Marites?
Nakita ko namang pababa si ama mula sa itaas.
Napansin niyang hindi ako mapakali.
"¿Es Victoria un problema (May problema ba Victoria)?" tanong nito sa akin.
"Si Marites po. No puedo verla (Hindi ko siya makita)," sagot ko naman dito.
"Ah! Lumiban muna siya dahil may aasikasuhin daw siyang problema ng kanilang pamilya. Bakit mo ba hinahanap si Marites?" sabi sa akin ni ama.
"Magpapasama po sana ako sa kanyang mamalengke para mamayang tanghalian," sagot ko naman sa kanyang tanong.
"Tamang-tama. Nais lumabas ng iyong ina upang siya'y maarawan naman. Maari mo siyang samahan. Hindi kasi ako maaari ngayong araw dahil may aasikasuhin ako sa Maynila."
"Puwede na po bang lumabas si ina?" tanong ko naman sa kanya.
"Oo naman, sinabi rin ito ng iyong Kuya Victoriano. Sumabay na kayo sa akin dahil magpapahatid ako kay Mang Patricio sa daungan. Kapag nakasakay na ako maari niyo na gamitin ang kalesa pabalik dahil mawawala ako ng ilang araw."
"Sige po. Aakyat na po ako upang sabihan si ina," umakyat kaagad ako sa kuwarto ni ama at ina upang sabihin kay ina na mamalengke kami ngayong umaga.
Kumatok muna ako.
Binuksan ko ang pinto.
Nakita ko naman si ina na nakaupo sa tapat ng bintana. Agad itong napalingon sa akin.

BINABASA MO ANG
Victoria de Victoria
Fiksi SejarahMay mga bagay na kahit anong pilit hinding-hindi mo ito makakamit ngunit tandaan mong ang lahat ng pait at sakit ay may sayang kapalit. ____________________________ Date Started: July 01, 2019 Date Finished: [On-going] Historical Fiction/Romance dim...