OCTOBER, 16 20XX
Nagkasabay kami ni LA maglagay ng gamit sa may locker namin. Magkatabi lang din kami ng locker."Tresh." Tawag niya. Tiningnan ko siya.
"Alam mo bagay talaga kayo ni Jade. Promise." Tumawa lang ako sa sinabi niya.
"Sino kaya Girlfriend niya ngayon?
Niraise ko lng yung 2 shoulders ko na nagsasabing ewan ko.
"Oyyyyy! Dont be jealous ha, sa totoo, gusto kong magkatuluyan kayong dalawa." Then nag-smile siya saken.
Hindi naman talaga kasi alam kong walang girlfriend si Jade ngayon, natanong ko kasi siya dati. Sabi niya lang nagkaroon siya ng dalawa. Swerte naman ng dalawang yon.
Pagkatapos namin maglagay ng gamit, niyaya ako ni LA na pumunta sa bandang likod ng school, dami kasing trees sa back part ng school namin, kakarelax. Vacant din namin ngayon.
Pagdating namin don, nandun lahat ng classmates namin. At nandoon din siya.
Nakaform sila ng circle. Parang may ginagawa sila. Naghanap naman kami ni LA ng mauupuan.
"May God guyss! Finals na next week! Magkakahiwalay na tayo :(" Iyak ni Abbey.
"Baliw! Problema ba yon? Edi sabay-sabay tayong magpaenrol lahat sa second sem. Di ba guys?" Sabi naman ni LA.
Nag-agree naman kaming magclassmates.
"Matatapos na yung First sem. wala padin bang magkakaaminan jan?" Sabi ni Abbey.
Tiningnan ko si Jade, nakatingin din siya saakin. Kaya umiwas agad ako. Nasa harap ko pa naman siya. Alam kong kami yung pinatamaan ni Abbey don.
"Guys. Laro nalng tayo." Sabi ni LA.
"Anong laro?" Tanong ni Jane.
"Spin the bottle?"
"Cool! GAME!" Agree ng classmates ko.
"Eto oh, bote." Binigay ni Kiana yung bote kay LA.
"Okay! 1 2 3 GO!" Pinaikot na ni LA yung bote. Ako naman nagsimula nang kabahan.
Si Kiana yung napili kaya, nwala-wala yung kaba ko.
"Truth or Dare?" Tanong ni LA sa kanya.
"Truth!"
"Wow. Lakas loob ha? Okay. Sino yung napupusuan mo sa classmates natin?"
Napaisip si Kiana.
"Si.. Tyler?" Tpos tinukso silang dalawa. Then nag-apir si Kiana kay Tyler. Grabe, parang wala lang sa kanila. Sabagay parang dumideskarte nga si Tyler sa kanya. Bagay din naman sila, Gwapo si Tyler & Pretty si Kiana.
Then paulet-ulet lang yung spin. ang dami nading naturo ng bote, pero they choose Dare.
Hanggang sa naturo na nga ng bote si Jade. Ewan ko ba pero sobrang kinakabahan ako.
"Truth or Dare?" Tanong ni LA sa kanya.
Nkatingin kaming lahat sa kanya. Matagal siyang sumagot.
"Truth."
"Hala! HashtagAminanNaGuys!" Sabi ni Abbey.
"Sino na yung napuusuan mo sa classmates natin?"
Ang tagal niyang sumagot. Lahat kami nakatingin parin saknya.
"Ano na Jade?" Sabi ni Abbey.
"Tresha na yan." Tukso ng classmates ko.
"Si.."
"Sino!" Inis na sabi ni LA. Ang tagal kasi sumagot.
"Its.. Kiana."
Fuck!