After namin sa school ni Mitch, nagpunta muna kmi ng starbucks. Namiss namin to. Yun nagkwentuhan muna kami. Syempre about na naman kay kuya Kris. Sabi sa inyo eh, siya yung may gusto dun. Hindi ako..
Nang mag 7:00 pm na. Napag-isipan nadin namin umuwi.
-
Habang nagbubukas ako ng gate namin, may mga naririnig akong ingay sa may gilid ko. yung mga halaman at mga dahon na gumagalaw.Dafaq! Kinakabahan ako kaya minadali ko buksan pero ayaw.
Maya-maya may lumabas don sa mga halaman, kaya sobrang gulat ko sigaw ako nang sigaw.
"AAAAAHHH!!! - - " Sigaw ko pero tinakpan niya yung bunganga ko.
Tapos.. tapos.. bigla niya akong niyakap! O___O OMO.
"Bitiwan mo ko! Bastos ka! Walang hiya ka!!!! AAAAHHH!!" Sigaw parin ako ng sigaw.
Hindi niya talaga ako binitawan. Hindi ako makagalaw. Ang lakas lakas niya!
"Sssh!" Sabi niya. Aba may gana pa siya patahimikin ako?!
"ANO BA! SINO KABA!! BASTOS! BITIWAN MOKO!!!"
"Namiss kita Tresh."
Bigla akong tumahimik. That Voice.Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hinayaan ko muna yung ganung pwesto. Parang bang ang saya-saya ko. Parang ayoko nang humiwalay pa. Gusto ko FOREVER nang ganito.
After 5 mins. bumitaw nadin kmi. Tumalikod agad ako sa kanya kasi, naiiyak ako.
Ano tong nangyayari nagyon? Panaginip na naman ba to?
"Tresh, Im very Sorry!" Yung tono ng boses niya sobrang lungkot.
"Bat kaba nandito ha?! Umuwi kana nga!" Tinulak tulak ko siya. Tapos bubuksan ko na sana ulit yung gate pero hinawakan niya yung wrist ko.
"Gabi na Jade. Pagod ako."
Papasok ako na sana ako nang manlambot yung tuhod ko sa mga sinabi niya.
"Mahal Kita Tresh! Im sorry kong ang tanga tanga ko, Sorry kung nasaktan kita, Sorry kung hindi ko agad nalaman yung mga nararamdaman mo, Alam mo ba na nung unang nag-usap tayo, may iba na agad akong nararamdaman para sayo? Nung lumayo ako, Im sorry, because Im scared to fall for you. Takot na akong maulit ulit kung ano yung nasa past ko. Abbey is right, may gusto na ako sayo noon palang. And yung sa Truth or Dare? Its not Kiana, Its you Tresh. Im sorry for making you cry that day. Sorry."
Hindi parin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.
"Tresh, is that too late? wala na ba? Pls. Let me undo the things. Let me love you."
Hindi ko na napigilan, umiiyak na ako. Hindi parin ako humaharap sa kanya.
"But I guess its too late." Narinig kong nag-step bckward siya. Aalis na siya?
'Dont miss the chance, follow your heart' naalala ko yung sabi ni mama nung nabubuhay pa siya.
Kaya, hinabol ko siya at niyakap mula sa likod. Tapos iyak parin ako nang iyak.
Tapos, humarap siya. Pinunasan niya yung luha ko. Nag-smile siya. Nag-smile din ako khit umiiyak.
"I love you." Tapos kiniss niya ako sa forehead ko.
A/N: So ayun na nga, umamin na si Jade. Kasi naman eh! Hello there! Long time No update! Kakauwi ko lang sa house galing Bhouse! Waah! Super sorry sa 1 week no update. Hindi ko po dinadala yung laptop ko :( Thanks readers. Love you all :*
GirlYeolli