Tumahimik lahat ng classmates ko nung sumagot na si Jade.
Ngayon, saken sila lahat nakatingin.
Tumawa lang si Kiana nun. Wala lang sa kanya. Umapir nalng siya kay Jade para ma break yung akwardness sa atmosphere.
Tinignan ko si Jade. Nakayuko siya.
Nang hindi ko na mapigilan yung nararamdaman ko, kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng bag ko. Nagkunwari ako na may tumawag sa aken.
"Hello? Ah. Okay2 papunta na. See you!" Tumayo ako.
"Teka, saan ka pupunta?" Tanong ni LA.
"Nandito si Papa, susunduin niya ako. Bye!" Tumalikod na ako bigla at tumakbo ng mabilis.
"Teka! May Next class pa tayo Tresh!" Narinig kong sigaw ni LA. Pero di ko na siya pinansin. Tumakbo lang ako nang tumakbo. Di ko namalayan tumutulo na pala luha ko.
Ba't ganon? Bat ang sakit? Ano ba talaga tong nararamdaman ko para sa kanya? Mahal ko na ba siya? Almost 3 months ko palang naman siyang nakikilala pero bakit ganito na kaagad kalaki yung nararamdaman ko para sa kanya? :'(