Seven

38 0 0
                                    

NOVEMBER, 10 20XX
The Finals is done and its our Semestral Break right now. Enrollment na din. So, nandito kami sa school ngayon. Katatapos lang din namin magpaenrol ni Mitch.

Ya! Bati na kami ni Mitch. Alam niya na din yung nararamdaman ko for Jade. Akala ko nga magagalit siya saken, pero hindi pala, sa totoo nga kinomfort niya pa ako nung mga time na nasaktan ako.

Pagkatapos din nung nangyaring yon, hindi na ulit yun binanggit ng classmates ko, never nadin nila binanggit yung JaSha. Alam din nila siguro yung nararamdaman ko.

Meron kaming visitors ngayon from other school. Kaya pinabalik yung section namin. Kaya nakita ko na naman siya ngayon. Naglecture sila about ourselves. About yung Johari Window. Tapos may cute guy silang kasama.

Habang naglelecture yung cute guy, tinanong ko si Mitch kong ano yung name niya. Sabi niya hndi niya daw alam.

Kaya yung ginawa niya, niraise niya yung hand niya at napansin siya agad ni kuya cute. Grabe talaga tong babaeng to, wala talaga siyang hiya -_-

Lumapit agad sa amin si kuya cute. 

"Kuya, ano daw po yung name mo? Tanong niya po." Tinuro ako ni Mitch. 

O___O 

"Ha-ha? Hi-hindi po ako. Baliw ka talaga Mitch!" 

"Oyy! Bat nagbblush ka?"

>_< Ganito tlaga ako basta tinutukso sa lalake kahit kanino!

"I'm Kris." Sabi ni Kuya Cute tapos nag-smile siya!

Waaah! Kinikilig ako!

Bumalik na ulit sa paglecture si Kuya Kris. After niyang maglecture, may ginawa siyang activity for us. Isulat daw namin sa boxes yung, Latest Achievement namin, Weakness, At yung Dream.

Naghanap si Kuya Kris ng Magvovolunteer na idiscuss yung work nila. Bigla na naman nagraise ng hand si Mitch at tinuro ako. Dafaq!

Lumapit si Kuya Kris sa amin at yun nga, ako yung tinawag niya.

Sinabi ko din yung Latest Achievement ko, yung wekaness ko at yung Dream ko.

"Ano yung Dream mo?" Tanong niya.

"Makapunta po sa Korea SOMEDAY."

"Wow. No need na nga eh, kasi parang Korean ka. " Nagsmile siya. 

Tinulak-tulak naman ako ni Mitch, Okay mas kinikilig pa siya kesa saken. -_- Yung classmate ko din naghiyawan na.

"Tresh." Tawag ni Mitch.

Tumingin ako sa kanya.

"Alam mo si Jade, hindi nakikitawa. Hindi din siya tumitingin sa side natin. Nakastraight lang yung tingin niya. Feel ko nagseselos siya."

101th dayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon