Next time kill it.
No.
I’m not that heartless. I know that when I entered this organization I should have thrown all of my pity and heart away. Pero may iba akong dahilan kung bakit ko pinasok ang trabahong ito. Alam kong responsibilidad ko ito dahil galing ako sa pamilya ng mga slayers pero may sarili akong desisyon at dahilan.
Ang pamilya namin ay hindi kasing linis katulad ng inaakala nila. May tinatago kaming halimaw sa loob namin na kami mismong executers ay hindi ito kayang patayin.
“Group 2 and 3, we found the survivors and sugatan ang iba sakanila. We’re heading back to the camp. Bumalik na rin kayo.” Suho ordered.
“Tara na Night.”
“Ok.”
Habang naglalakad kami pabalik sa base bigla kaming may nakitang babaeng may sugat. Dahan dahan kaming lumapit ni Night at nigla siyang tumingin sa amin ng masama.
“Ito yung tinamaan mo kanina ng tranquillizer.” << Night
“Hindi na siya lalaban. Hayaan na natin siya. Yung tranquillizer na tumama sa kanya ay may kasamang venom na maaari niyang ikamatay kaya wag mo nalang siyang barilin.” I said
“Fine” I can sense irritation in Night’s voice, but I didn’t care much.
Tinalikuran na naming ang babae at nagsimula nang maglakad, maya-maya may narinig kaming kaluskos at bigla nalang may isang lobong umatake sa amin galing sa likuran. Mabuti nalang agad naming intong napaputukan at agad naman itong bumalik sa pagiging tao at tuluyan nang namatay.
“Sabi ko naman kasi sayo eh. KILL” Night said coldly.
“Yeah, I know. Akala ko lang kasi pwede pa siyang maligtas, after all not all of them are bad.” I said.
“Not all of them… but most of them are.” Night threw a small glimpse at me. Alam ko kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya, hindi ko naman siya masisi.
We walked back to the base and saw 6 survivors; one of them is severely hurt. Pagdating na pagdating namin sa base agad kaming tumulong sa paggagamot sa mga sugatan. Nilapitan naman ako ni Suho.
“Triple-E kamusta?” pangangamusta ni Suho.
“Ok naman. May napatay kaming dalawa kanina.”
Tumango lang si Suho sa nireport ko.
“Isa sa kanina ay werewolf.” Suho said,
“Alam ko.”
“Siya yung tumulong sakanila.”
Nang sinabi ni Suho iyon napangiti ako sa loob ko. Para bang napatunayan ko muli sa sarili ko na hindi lahat ng mga creature na ito ay masama.
“Natanong mo na ba siya kung bakit sumalakay ang mga kasama niya sa mga tao?”
“Oo. Pero kaunti lang ang nasabi niya. Hinang-hina na siya kaya naman hinayaan ko na muna siyang magpahinga. Si Sky ang nag-aalaga sakaniya ngayon. Sigurado rin akong hindi sasalakay ang mga target ngayon.”
“Paano ka nakasisiguro?” I asked.
“Dahil matatalino ang mga lobo. Nawalan sila ng mga kasama ngayon at gugustuhing gumanti pero hindi sapat ang kakayanan nila dahil marami sakanila ang sugatan.
“Marami ba kayong nakasagupa kanina?”
“Oo. Natagpuan naming yung mga survivors na napapalibutan ng mga lobo at pati sina Akila rin daw ay maraming natamaan.”