CW - 3

7 0 0
                                    

"Ano! Nahihibang ka na ba!" Sigaw ko kay Harold. Hindi ko alam kung naka-inom ba siya o anong trip niya sa buhay.

"I said we're not filing a divorce because starting tomorrow, We have to live under the same roof. Mahirap ba intindihin yon?" Sabi niya na para bang napaka-dali ng gusto niyang mangyari. Deretso ang tingin niya sa daan na para bang wala siyang sinabing nakaka-windang.

We're married only in the papers. We never liked each other. Or maybe I liked him, fine! But he never cared for me, All he had for me was pity.

He's a doctor, He took an oath. That's why maybe he married me so that his conscience can sleep at night.

And after 3 years of not seeing each other, Eto ang ibubungad niya sa akin? Hell No!

"No! You keep making decisions without even consulting me. I want a divorce!" Sigaw ko sa kanya na para bang batang hindi nabilhan ng laruan ng kaniyang magulang.

"Why? Are you in relationship with someone else now? Last time I checked, you're single. So what's the problem with that?"

I saw his jaw clenched. Tignan mo, Ngayon palang ay di niya na makayanan ang ugali ko. Paano pa kaya kung titira kami sa isang bahay?

"You owe me your life, right? Without me, You're probably rotting inside your coffin. I helped you when you needed me, now, I'm asking you to help me because I need you" I hate him! He's using his wild card at kinokonsensya niya na naman ako na utang ko ang buhay ko sa kanya.

"Sana hindi mo na ako binuhay kung isusumbat mo lang din naman! Fine, Help me pack my things. I'll try to help you, Pero kapag hindi nag-work. I'm moving out! Alright?" Inis pero mahinahon kong sabi sa kanya. He has a point, He helped me when I needed help. Now, It's my time to give back.

Matatahimik na din siguro ako knowing na bayad na ang utang na loob ko sa kanya.

"Okay, didn't know that you want us to work, but fine, thank you!" He calmly said while slightly annoying me. How can he talk so calmly? We're going to live in a same house!

Gaga Loussiana, Malamang naman ay hindi kayo sa isang kwarto matutulog.

I badly want to break the window using my head. How can I even think about the fact that we'll be sleeping in the same room? Ofcourse that won't happen. It will never happen.

"Pero bukas na bukas ay gagawa tayo ng rules at kasunduan sa mga bagay bagay! For now, I just want to sleep peacefully" I said as I rested my head in the car's wall. Gusto ko nalang matulog at bukas na isipin ang mga dapat isipin.

"Bukas na tayo kumuha ng gamit mo. Umuwi na tayo" Walang emosyon niyang sabi. Saglit siyang sumulyap sa akin at agad ko naman na ipinikit ang mata ko upang hindi mag-tama ang aming tingin.

I woke up in an unfamiliar room. Napabalikwas ako ng bangon, Huli na ng narealize kong nandito nga pala ako sa bahay ni Harold.

Malaki ang kwarto kung nasaan ako ngayon. The bed is so big that it can accomodate a whole family. Sa hula ko ay Eastern King ang bed size nito. The room color is a combination of gray and black. May iilang paintings din ngunit wala gaanong palamuti dahil mukhang guestroom ang isang to.

I checked my phone and I saw that it was flooded by my friend's texts messages.

It's 11:53 in the afternoon, I'm still wearing my usual clothes. Pakiramdam ko tuloy ay ang dumi ko dahil hindi ako nakapag-bihis kagabi bago matulog.

My last memory from last night is when we're still in the car. Siguro napa-lalim ang tulog ko or sa kalasingan ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami rito.

Charity WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon