Prologue

19 1 0
                                    

"Your cancer cells are spreading. We need to do a high radiation approach, Loussiana" I sighed heavily. Onti onti nang nauubos ang buhok ko. Sa kada hawak ko dito ay hindi pwedeng walang buhok na kakapit sa kamay ko.

Lumabas na ang mga doctor at naiwan na naman akong mag-isa sa kwarto ko. Mula noong nakaraang buwan ay hindi ako nagkaroon ng bisita.

I pushed them away, What will I expect?

Maya maya ay may pumasok sa kwarto ko. I thought it was just my doctor. But it turned out to be him.

"How are you feeling?" Tanong niya habang tinitignan ako deretso sa mata. Hindi ko aakalain na sa likod ng maamong mukha niya ay nakatago ang likas niyang pagka suplado.

He's a doctor, He should be nice and approachable. Or well maybe sa pasyente niya nga naman. Bakit siya magiging mabait sakin kung ako ang umaabuso sa medical insurance na binabayaran niya?

"I'm fine. I just feel tired. Kumakalat na ang cancer ko, Sabi ng doctor ko ay kailangan na ng high radiation approach. I'll be more weak but maybe it will kill my cancer cells more effectively" I tried to smile weakly. Nakatingin lang siya sa akin ng deretso. Hindi ko maintindihan kung bakit niya to ginagawa?

"Okay, rest more. Ako nalang ang kakausap sa doctor mo. Just rest, kakailanganin mo ng madaming lakas para sa susunod na session mo sa doctor mo" Tumango ako at ngumiti. Hindi siya ngumiti pabalik at tumalikod nalang para lumabas.

He's my husband and yes, I'm the Charity Wife. He's a Doctor here in this hospital, An attending and one of the greatest doctor in neuro department. He's the head of Neuro Department and one of the soon to be chief of surgery candidate.

Hindi ko alam kung anong point niya kung bakit niya ako pinakasalan. Is it about the oath he took? Or because he pity me? I have no choice but he's the only option I have.

Masyado na akong naghihirap financially, Ang ipon na inipon ko ng ilang taon ay naubos na. Lahat ng option ko para kumita ng pera ay ubos na din. Wala na akong choice kung hindi umuwi at maghintay nalang na kunin na ako ng langit.

One day, He saw me. Packing my bag. So he asked my why I'm leaving. Sinabi ko lahat and then he told me he'll marry me. Para makuha ko ang insurance niya na binabayaran niya buwan buwan. At first, Ayoko. Ayokong umasa sa taong hindi ko naman ka-ano ano. Ayokong maging pabigat sa ibang tao.

Kung ang pamilya ko sumuko sa akin, Siya pa kaya?

But then he convinced me. Hindi daw kakayanin ng konsensya niya kung alam niyang meron siyang magagawa para matulungan ako pero hindi niya ginawa.

And then a month later, we got married. Pumunta kami sa isang City Hall. And then I got his insurance. Binalik niya ang lahat ng medical needs ko. I was transferred to a bigger and much better room.

Minsan ay dinadalaw niya ako pero madalas hindi. We agreed to some conditions like kasal lang kami sa papel. No feelings attached. He'll just let me use him so that i can live longer and hope for the best.

"I changed your doctor. Ilang taon ka ng nandito at hindi ka pa din niya napapagaling? Ubos na ang lahat ng ipon mo at lalo ka lang lumalala. Your new doctor is the best Oncologist in the Asia. Buti nalang at kaibigan ko kaya pumayag kahit masyadong busy" Sabi niya ng seryoso pagkadala niya ng aking dinner.

Ramdam ko na din na nanghihina na ang katawan ko.

"Okay, Ikaw naman ang magbabayad. It's your choice to make" Sagot ko at tumalikod. I feel so helpless. Paano nalang ako kung wala si Harold?

Kung noon ay pinilit kong maging independent kahit ayaw ng magulang ko, ngayon naman ay nagiging dependent ako sa taong kailan ko lang nakilala.

Umalis na siya at naiwan na naman akong magisa sa kwarto. Minsan ay dadalaw siya, madalas ay hindi. I don't know why I'm hoping na dumalaw siya, Baka dahil siya nalang naman ang kaibigan na maituturi ko dito.

I used to be an energetic person. I'm a model, but then after hearing about my disease, I quit modeling without releasing any statements.

Akala ng iba ay nabuntis ako or what, sana nga ay ganoon nalang ang nangyari kesa naman ganito na nagbibilang nalang ng natitirang araw ko sa mundo.

Months have passed. And I'm getting better and better, The treatments are effective at mas lalong tumaas ang recovery rate.

Onti onti na din na bumabalik ang lakas ng katawan ko. My hair are growing back now, All thanks to Harold and Dra. Jade.

"Congratulations! You can go home now. After years of staying here in the hospital. I'm glad that you recovered. Pero kailangan mo pa din alagaan ang sarili mo. Hindi dahil okay ka na ay wala ng chance na bumalik ang cancer mo. Monthly ay bumalik ka sa akin para sa iba mo pang treatments" Tango lang ako ng tango.

Halos mabingi ako sa narinig ko. Unti unting tumulo ang luha. Months ago ay inasahan ko na to pero iba pa din talaga kapag nandito ka na sa sitwasyon na yun.

Walang humpay na thank you ang binigay ko kay Dra. Iniintay kong dumating si Harold pero walang Harold na nagpakita. I can't control my tears, halo halo na ang nararamdaman ko. Gusto ko sanang magpasalamat man lang.

I felt that he somehow cares for me. Hindi din ako makapaniwala na sa saglit na panahon ay nahulog ako sa kanya. Wala naman siyang ginagawa pero i just feel that i'm inlove with him.

I dont know if you call this love. Pero baka dahil lang sa fact na siya ang dahilan bakit buhay pa ako.

I left a note at tuluyan ng umalis. Wala akong alam saan ako pupunta. Lahat ng properties ko ay nabenta ko na, Wala akong koneksyon sa kahit na kanino na kilala ko noon. I have friends but I cut them out, without saying any words.

Hindi ko naman kasi inakala na mabubuhay pa ako. My heart is so heavy, I want to leave that place but i didn't know that this will be hard.

I never got the chance to bid my goodbye to the man that made me live again.

Charity WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon