POETRY 003: FRIENDZONED

62 2 0
                                    


Friendzoned ("Hanggang sa pagkakaibigan nalang muna")

Pinagtagpo, ngunit walang tayo
Mundo ko'y nagbago
Nang ika'y nakilala ko
Bakit nga ba humantong sa ganito?

Ako'y iyong sinaktan,
Heto ako ngayon sa 'yong harapan
Isang luhaan,
Subalit, nahihirapan pag ika'y aking iiwan

Dinadaan ko lang sa ngiti, lahat ng pait
Sapagkat alam kong wala akong karapatang magalit
Mga alaala nating ibabaon na lamang sa limot
Katulad ng nararamdaman kong lungkot

Araw, gabi, iniisip kita
Ngunit paano na?
Sinabi mong "hanggang kaibigan lang muna"
Wala na, tinapos mo na, ang samahan nating dalawa

PS. Sorry gurl itak lang nga naupload haha anyways eto na😚

Poetry CompilationsWhere stories live. Discover now