POETRY 005: PAGHANGA SA 'YO

42 2 0
                                    


Type: Free Verse

Paghanga sa 'yo
("Natatandaan mo pa ba ang unang araw na nagkatinginan tayo? Marahil hindi kasi may iba kang gusto at paniguradong hindi ako")

Nakikilala mo pa ba ako?
Ako nga pala yung minsan nang humanga sayo
Tinitignan ka malapitan man o malayo
Malabong maging tayo, oo alam ko

Hindi ko alam kung bakit kita nagustuhan
Subalit salamat sa lahat
Kahit sa saglit na panahon ay nakilala ko ang isang katulad mo
Wala tayong pormal na pag uusap, pero ayos lang

Salamat ng sobra
Nang dahil sayo, natutunan kong muling magkagusto
Ngunit, sa mali nga lamang na tao
Siguro dapat ko nang itigil ito

Itong nararamdaman ko
Sa isang katulad mo
Bagamat alam kong malabo
Na ikaw at ako ay magiging tayo

Poetry CompilationsWhere stories live. Discover now