Chapter Four: Asgard

305 27 1
                                    

Caleb

Tumingin na 'ko sa mapa ng Green Haven.

Ang mapa na ito'y merong dalawang kulay. Pula at Asul. Ibig sabihin ng pula ay meron ng nagmamay-ari ng lupa at asul para sa bakante pa.

Maraming mga ibang territory.
ang nasa labas ng Green Haven safe zone.

Napakalawak ng Green Haven Forest, oo forest siya. Iba ang Green Haven safe zone sa Green Haven Forest. Ang Forest, dito nakatayo ang mga ibang teritorries, bawal magtayo sa loob ng safe zone.

Kung gusto mong palawakin ang iyong teritoryo, kailangan mong patumbahin o sakupin ang ibang teritoryo at kunin ang Land Tablet nito. Sa pamamagitan noon, maaari mo ng mapalawak ang iyong teritoryo.

May napansin ako sa timog na bahahi ng Green Haven Forest na walang mga Territory ang nakatayo. As in wala kasi patay ang lupa doon. Walang nabubuhay.

Hmm, no choice. Mga towns level na ang nasa paligid ko kung sa ibang parte ako ng Green Haven Forest magtatayo ng territory.

Napagpasyahan kong sa timog na pumunta at itayo ang aking magiging teritoryo. Badtrip!! Kung mas napaaga lang ako maglaro.

Nagrenta ako ng kabayo para sa'king paglalakbay patungong timog. 2 araw ang aabutin bago makarating dito. 50 Coppers ang bayad dito. So bale may 50 coppers na lang din ako. 'Yung sobrang 50 coppers ay pinambili ko na lang din ng pagkain at tubig. Habang ako'y tumitingin, may nakita akong isang buto ng halaman na nakakuha ng atensyon ko. Nagkakahalaga ito ng 10 coppers. Binili ko na lang baka sakaling makatulong ito sa akin.

May hunger effect at thirst effect, 80% realistic ang laro kaya talagang tinatangkilik.

2 hours sa totoong buhay ay isang araw na sa loob ng game.

Name: Apollo

Level: 1

Profession: Land Lord

Title: None

Equipments: Crown of the Viscount

Skills: None

Inventory

Bread/7

Water/6

Mana Potions/10

Health Potions/10

Seed of Lide/1

--

1 oras na lang ang tantya ko at makakarating na 'ko sa timog na nahagi ng Green Haven Forest pero bago ako makalapit, may nakita akong isang lalaki na mga nasa mid 20's na mukhang uhaw na uhaw at gutom na gutom.

Nilapitan ko ito.

"T-tubig", mahinang sabi nito.

Agad naman akong nangalap ng tubig sa aking inventory sabay abot nito sa kanya.

Nilagok niya ito agad.. nung maubos niya ay binigyan ko ulit siya ng isa at binigyan ko siya ng bread.

Habang kumakain siya ay tinignan ko ang kanyang profile at ako'y nabigla!!

-

Kingdoms War OnlineWhere stories live. Discover now