Chapter 4.2

1.7K 41 21
                                    

A/N: I'm not really confident with this next chapter

_____________________________________________________

Umakyat si Sarah sa kwarto nya at humiga sa kama. Hindi nya alam kung ilang oras syang naka-higa dahil naka-tulog narin sya, nagising sya sa ring ng cellphone nya

“Sarah! Kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo!” nakakabinging bungad na sigaw ng caller sa kabilang linya

“Ate naman, may balak ka bang sirain ang eardrum ko?” mahinang sabi ni Sarah

“Ano yung nabalitaan ko kay mama na ikakasal ka na daw?!” sigaw ulit ng ate Juday nya

“Ate, punta ako jan sa bahay nyo ngayon, jan na natin pag-usapan” biglang sabi nya sabay patay ng cellphone

Gusto nya munang umalis sa bahay na ‘to pansamantala, sigurado syang iinterviewhin nanaman sya ng mama at papa nya pagnakita sya

Dali-dali syang nagbihis at nag-pack ng mga importanteng gamit na pwede nyang dalhin, may mga iba pa naman syang damit sa bahay ng ate Juday nya, tsaka pwedeng pwede rin naman syang humiram ng gamit nito kung sakali

Sumilip muna sya sa labas kung may tao bago dali-daling lumabas ng bahay, nagulat pa sya ng mapadaan sya sa garahe at nakitang andun na yung sasakyan nya, sinubukan nyang tiningnan sa lalagayan ng mga susi kung andun yung susi at swerte naman iniwan doon.

Kinuha nya ito bago pinaandar palabas

Pagdating nya sa bahay nina ate Juday nya mejo madilim na at andun na ito sa may garahe inaabangan sya nito

“Hi Ate” walang buhay na bati ni Sarah sa ate nya

“Hi tita! What’s with the long face?” tanong sa kanya ng pamangkin nya na bigla nalang sumulpot sa likura ng ate nya

“Nothing, how are you baby doll?” bati naman nya sa bata

“I’m fine! Still looking gorgeous!” animated na sabi ng pamangkin nya na ikinatawa nya

“Hay naku, yang pamangkin mo lumalaki na ang ulo” sabi naman ng Ate Juday nya

“Hayaan mo na ‘te too naman eh, diba baby doll?”

“You bet! Mom won’t believe me that I am gorgeous like tita Sarah” sabi ulit ng bata sabay pa-cute

Bigla namang nawala ang problema ni Sarah ng dahil sa kakulitan ng pamangkin nya

“Okay, let’s go inside now, maghahanda pa ako ng hapunan natin” anang ate Juday nya sabay pasok sa loob ng bahay

“Tulungan na kita” boluntaryo naman ni Sarah pagpasok nila

Naghahanda na sila ng Ate nya ng dumating ang kuya Ryan nya ang asawa ng ate nya

“Hi kuya! Dito muna ako sa bahay nya ha” bati ni Sarah dito

“Sure no problem! Alam mo namang welcome na welcome ka dito anytime” nakangiting sabi nito sabay halik sa Ate nya

“Pano akyat muna ako” anito pero bago umakyat pinuntahan muna nito ang pamangkin nya sa may playroom

“Masarap ba ang buhay may asawa?” baling nya sa ate nya

“Masarap, pero minsan hindi maiwasang may hindi pagkakaunawaan pero naayos din naman, minsan nakukuha lang yan sa masinsinang usapan” mahabang pahayag nito sa kanya

“Ano ba kasing nangyari sa inyo ni Gerald ha?” tanong nito

“Mamaya ko na sabihin ‘te, nga pala pag-tumawag sila sa bahay wag mong sasabihin na andito ako ha?”

Jersey Number ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon