Chapter 1

1.9K 25 4
                                    

♫Maybe it’s you, I’ve been waiting for all of my life, It’s—♫  “aray! ano ba yan!”

“Ooopss!”  isang lalaki ang patakbong lumapit sa kanya “Miss sorry ha, okay ka lang?” tanong nito sa kanya.

“Bakit? mukha ba akong okay? Ikaw kaya tamaan ko ng bola ng basketball sa ulo tingnan ko lang” mahabang pahayag nya habang pinupulot ang mga papel na hawak nya kanina, na nabitawan nya.

“Ahm, sige miss ha mukha ka namang okay na eh” sabi ng lalaki sabay patakbong umalis papunta sa mga kasamahan n ya.

“Aba’t— Salamat ha napaka gentleman mo naman!” sigaw nya sa lalaki

“Welcome!” ganting sagot naman nito sa kanya.

‘Arrogante! tatandaan ko yang Jersey number na yan #3, ganito ba mga ugali ng mga nakatira dito? parang ayaw ko ng lumipat dito ah’ Next week kasi lilipat sila ng tirahan sa subdivision na ‘to at gusto nyang makita yung lugar kaya sya nandito ngayon, binigay lang kasi sa kanya ng mama nya ang address ng bahay na lilipatan nila, pero mukhang nawawala sya kaya pinark nalang nya ang kanyang sasakyan sa tabi para magtanong kung saan banda yung hinahanap nya, nagtanong naman sya sa guard sa gate kanina kaso mukhang di nya nasundan yung instruction. Nung makita nyang may tao sa loob ng gymn pumunta sya dun dahil wala naman syang makitang tao na pakalat-kalat sa daan para mapagtanungan.

Di naman sya nabigo sa pagpunta doon dahil may tao sa infromation ng gymn na iyon, lumapit sya dito at nagtanong. Pinag-antay naman sya, kukuha lang daw ito ng mapa ng subdivision para dun nalang nya titingnan yung hinahanap nya. At habang nag-aantay sya minememorize nya yung lyrics ng kanta na kakantahin nya sa silver wedding anniversary ng boss ng mama nya. Kilala kasi sya nito kaya gusto nito sya ang kakanta sa anniversary nila. At ayun na nga nakilala nya si Mr. Jersey number 3. Habang nagmememorize sya ayun, nabato sya ng bola ng basketball kung paano tumama sa kanya yung bola ay di nya alam.

“Ma’am, eto na po yung mapa” sabi sa kanya ng babae na pinagtanungan nya na hindi nya namalayang bumalik na pala. “Salamat ha” nakangiting sabi nya dito sabay alis.

Sa wakas nahanap din nya ang hinahanap nya, mukha naman maganda yung bahay. Pagpasok nya sa loob ng bahay namangha sya dahil mejo mas malaki ito kesa sa bahay na tinitirhan nila ngayon at maganda ang ayos, may konting laman na ito dahil pina-ayos na ng mama at papa nya ang iba nilang gamit na di nila masyadong ginagamit sa bahay nila ngayon, inisa-isa nyang tiningnan ang bawat kwarto doon at nakuntento naman sya. Pagbalik nya sa kanyang sasakyan narinig nyang kumakanta si Carly Jepsen sa cellphone nya iniwan nya ito sa loob ng sasakyan

♫Where you think you're going, baby?

Hey, I just met you,

And this is crazy,

But here's my number,

So call me, maybe? ♫

Tningnan nya yung screen ng phone nya bago sinagot

“Hello, Ma”  sagot nya dito.

“Hija, asan ka na? what happened bakit di mo sinasagot ang tawag ko? kanina pa ako tumatawag sa’yo” as usual panic mode nanaman ang mama nya dahil di nya agad nasagot yung cellphone nya nag-aalala agad ito pag-naka dalawang tawag na ito at di agad nasagot, ganun ang mama nya.

“Mama, chill lang” napapailing na sabi nya dito

“Baka kasi nawawala ka nanaman, di ka pa naman mahilig magbit bit ng cellphone” banaag parin ang pag-aalala sa boses nito

“Ma, nasundan ko yung daan, okay? at di ako nawawala” aniya

“O, sige bilisan mo na ng uwi, anong oras na, baka ma-late tayo,traffic pa naman, memorize mo na ba yung lyrics ng kanta?” tanong ng mama nya

Jersey Number ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon