Chapter 2.1

1.3K 30 6
                                    

A/N: Tell me what do you think guys

____________________________________

Nagsipalakpakan naman ang mga tao pagkatapos nyang kumanta at nakangiti syang tumingin kina Mr. at Mrs. Anderson.

Nang maramdaman nyang parang may nakatitig sa kanya, hinanap nya ito ng biglang magawi ang tingin nya sa tabi ni Mr. Anderson mejo dim ang light dahil naging cozy ang ambience kaya di nya masyadong makita ang mukha nito pero alam nya nakatitig ito sa kanya.

Nanatili parin syang nakatayo sa kinaroroonan nya ng biglang bumukas na ang ibang ilaw at lumiwanag na sa paligid.

Nang makita nya kung sino ang nakatitig sa kanya inirapan nya ito ‘Hmp! sya lang pala!’

Ngumiti ito nang pagkatamis-tamis ng makita nitong inirapan sya

Bumaba na sya sa stage ng makita nyang sumenyas sa kanya si Mrs Anderson

“Ang galing-galing mo talaga hija, you sing with all of your heart that what makes you different from other singers” kumento nito sa kanya.

Nahihiya namang nag-thank you sya dito

“Oo nga pala hija, how can you sing with all your heart? have you been in loved?” tanong sa kanya ni Mr. Anderson na kina-off guard nya

“ahm—“ nag-iisip pa sya ng sasabihin nya ng biglang may sumingit

“Oo nga naman, Are you in-love right now?” si Gerald

‘kainis talaga ‘tong mokong na ‘to nakita na ngang di ako makasagot’ aniya sa sarili nya habang naka-tingin ng masama kay Gerald

“Ahm, hindi pa nga po eh... inaantay ko pa yung oras na may masasabihan din ako ng ‘It Might Be you’” aniya with dreamy look in her face naalala nya yung crush nyang hollywood actor na si Robert Pattinson

Nanatili syang naka-ganun ng ilang saglit ng biglang may nagsalita “Ang cute mo pala pagnag-d-daydream ka”  Anitong nakatitig sa kanya si Gerald with mocking face at halatang pinipigilan nitong tumawa “Hindi mo napapansin wala na pala yung mga kausap mo” anito sabay tawa ng di na nito mapigilang tumawa

Namula nanaman sya sa pagkakapahiya napansin wala na pala yung ibang kausap nya, may kausap na palang iba

“Di mo naman kailangang mag-daydream dahil nasa harapan mo na ako” sabi ulit sabay kindat sa kanya

“Heh! Dyan ka na nga!” aniya inirapan pa nya ito bago umalis

“Not too fast young lady” anito sabay hila ulit ng braso nya

“Mahilig ka ba talagang manghila ng braso? Pangalawang besses na ‘to ah!” aniya sabay tingin sa kamay nito na naka-hawak sa braso nya

“Gusto ko lang tanungin bakit mukhang galit ka sa akin” seryosong tanong nito

“your name sounds familliar but I don’t think I’ve met you before” dagdag pa nito

“Ah... wala ka talagang maalala dahil nagmamadali kang makipag-laro ng basketball sa mga kasama mo, hindi mo naisip ang ibang tao, ang importante kasi sa’yo ay ang kagustuhan mo”

mahabang pahayag nya

“Ha? Pweden pakilinaw? yung exact incident if why are you mad at me?” naguguluhang sabi nito

“Kung di mo matandaan, wag mo ng isipin di bale it’s not a big deal, now can you let go of my hand?” aniya dito.

Binitawan naman sya nito pero mukhang naguguluhan parin ito sa kanya.

Jersey Number ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon