Never

389 14 1
                                    

"He said that? He's funny."

Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Isaiah noong ikwento ko ang nangyari kanina lamang sa bahay. Napasimangot ako dahil ang klase ng reaksyon niya ay parang nanggagago lang. Humalakhak lamang siya noong makita akong inirapan siya.

"You're not helping! Hindi dapat ako nagpunta pa dito. Should have I known, you'd mocked me to bits!"

Halos tumirik na ang mga mata ko sa kakairap. He only laughed more!

"Sige tawa ka pa! Mawalan sana ng hangin ang bagang mong hayop ka!"

Tatawa tawa pa siyang umupo sa tabi ko sabay abot sa akin ng sigarilyo. Inakbayan niya ako sabay halik sa pisngi ko.

"Baby, you're just over reacting, you know. Ikaw na din ang nagsabing hindi mo na siya babalikan pa, kung relasyon man ang matatawag doon."

Napangiwi pa siya na parang naalalang nakakadiri ang naging nakaraan namin ni Sage. Sinapak ko siya sa tyan kaya napahawak siya doon. Tumayo na ako para magpunta sa balcony ng kanyang condo. I lit up my cigarette as I tap my fingers on the handrail. I felt him hug me from behind.


"Stop thinking about your coward brother. He's not worth it, you know. Ako na lang ang isipin mo, andito naman ako eh."

Hinalikan niya ang aking ulo habang yakap pa rin ako. Napabuntunghininga ako sa kanyang sinabi bago tumingin sa kawalan.


"We need each other to move on, Sari. Pakasal na lang kaya tayo, tutal naman pareho tayong iniwan ng mga taong mahal natin. Tayo na lang?"

Seryoso niyang sabi pero alam kong may bahid ng kalokohan ang kanyang sinasabi kaya humalakhak ako sabay sandal na din ng ulo sa kanyang dibdib.



"Gusto mo?"

Pag iiba ko sa usapan sabay abot ng sigarilyo sa kanya. Hinalikan niyang muli ang aking ulo bago kinuha iyon. Tumabi siya sa akin sabay hithit ng sigarilyo.



"Why do people who love more end up getting hurt more?"

I asked out of nowhere. Nahinto siya sa paninigarilyo dahil sa naging tanong ko.

"Because they tend to give everything even if they get nothing in return. They love too much and forget to leave a bit for them."

Eksperto niyang sagot na siyang nagpabuntunghininga sa akin.

"Does that mean, between the two of you, it was you who loved more? Kaya ikaw ang hindi pa nakakamove on?"

Natigilan siya saglit bago tumingin sa akin at ngumisi. Umiling iling siya sa akin at tumingin sa kawalan pagkatapos.

"No. It was her. She loved me too much while I only gave her reasons to leave me. It was too late for me to realized how much I love her. I love her so much but I can no longer re-do my past, all I can do is re-visit our good memories."

Nanikip ang dibdib ko habang nakikinig sa kanya. We are two broken soul trying to fix each other.

"The way you talk about her, I don't think you can fix me nor can I fix you. Paano ba natin bubuuin ang isa't isa kung pareho naman tayong wasak?"

Mangiyak ngiyak kong tanong. Itinapon niya sa ashtray ang sigarilyo sabay hapit sa akin para sa isang mahigpit na yakap. Hinalikan niya ang balikat ko. Umalog iyon dahil hindi na natiis ang luhang kusang kumawala sa aking mga mata. Humagulgol ako sa kanyang bisig.


"I'm sorry."

He apologized just to comfort me. I hugged him back. Sa sobrang dami ng aking iniyak ay napagod na ako at nakatulog. I don't know how I fell asleep in his arms. I only found myself waking up on his bed. Saktong pagmulat ng mga mata ko ay siyang paglabas niya sa banyo. Inirapan ko agad siya noong nakangisi siyang ipinarada ang kanyang matipunong katawan sa aking harapan. Nakatapis lamang ang isang puting tuwalya sa kanyang bewang. Humalakhak siyang gumiling giling pa bago ako nilapitan. Yumuko siya para mahalikan ako sa noo.

Even If It Is Wrong And ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon