"Good morning familia!"
Mariing napatingin sa akin si mommy at daddy pagkauwi ko ng bahay. Hindi ko na pinansin ang pares ng mga matang mainit na nakatitig sa akin dahil alam kong anumang oras ay sasabog na siya sa galit. I should not care about what he feels afterall! Ang priority ko ngayon ay kung paano ko aamuin ang aking mga magulang. Tumayo si daddy mula sa pagkakaupo sa may sofa na sinundan din ni mommy. Nilapitan nila akong dalawa habang ang magkarelasyon ay nanatili lamang sa kinauupuan at naghihintay na magsalita si daddy.
"How many times do I need to remind you, stop seeing that guy! He is a bad influence to you! Sa kanya ka natutuong manigarilyo at maadik sa bars!
Napangisi ako sa pambungad ni dad sa akin. What a good day to start my morning with.
"Hindi ito uwi ng matinong babae. And why were you not answering our calls? We we're so damn worried. Malalaman na lamang namin na doon ka natulog sa lalakeng iyon?"
Parang babaeng sita sa akin ni dad. Lihim akong napangiti sa mga pinagsasabi niya.
"Daddy, Isaiah is a good man. Hindi po siya ang nagturo sa aking manigarilyo, ginusto ko po talagang subukan hanggang sa kinaadikan ko na lalo na kung stress ako or frustrated. And about sa pagbabar ko every night, siya actually ang bantay ko para hindi ako bastusin ng kahit na sinong lalakeng nilalandi ko."
Pang aasar ko kanila at tanggol ko na din kay Isaiah. Sumimangot sa akin si daddy habang masamang binabantaan na ako ni mommy sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Oh come on."
Lumapit ako sabay yakap na sa nanggagalaiti kong ama.
"I am a curious adult daddy. I want to explore life and live with it. Please understand that. Let me live my life the way I want it daddy."
Pakiusap ko sa kanya. Mariin siyang tumutol sa paraan ng pag ungol pa lamang niya but knowing my father, hinding hindi niya ako matitiis.
"Invite that guy for dinner then."
Napatili ako sa tuwa noong bumigay din siya sa wakas. Napapailing na lamang si mommy sa kanya sabay sapak sa batok ni daddy.
"Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh. Nagpauto ka nanaman sa anak mo! May pa galit galit ka pang nalalaman kanina. Gago."
Sita niya pa na siyang ikinahagikgik ko.
"Eh baby! Alam mo namang napakahina ko pagdating sa anak natin! Kung hihingin nga ulit niyang magkaroon ng sariling condo baka mapagbigyan ko ng wala sa oras!"
Pinanlakihan ng mga mata si mommy sa sinabi ni daddy. Bigla akong natigilan at napaisip.
"Dad. I want a condo."
Out of nowhere ay nasabi ko.
"Fuck no!"
"Hindi!"
"Ano?! No!"
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paano ba naman kasi ay sabay sabay pa silang tatlo na nagsalita. Napakurap kurap ako sabay tingin sa gulat ding si Leandra dahil sa naging mura at reaksyon ni Sage.
"Iyan ang hinding hindi mo gagawin Sari! You cannot move out!"
Mangiyak ngiyak na sabi ni mommy bago nagtatakbo paakyat bigla. Naiwan kaming tulala sa naging reaksyon niya.
BINABASA MO ANG
Even If It Is Wrong And Forbidden
General Fiction2ND GENERATION SERIES II #Sage Calyx De Vera & Sari Corrine De Vera