[1 new message received]
From: 09xxx
6:48amgd mrning
-
Not. A. Very. Good. Morning.
Kung wala pang nagtext hindi pa ako magigising! Good thing my message alert tone was in full volume. The unknown number saves Monday!
Where was my damn alarm when I needed it to wake up early? Hindi ko nga pala naactivate kagabi. Ano ba naman iyan! Signs of aging na ba ito?
[message sent]
To: 09xxx
6:49amYou have the wrong number again
-
Nakuha ko pa talagang magreply instead na magmadali para mag-ayos. It is now 6:50 A.M. on my wristwatch and the school bell rings at 7:15 A.M for the morning assembly.
Naligo ako mga ten minutes. That is just the minimum time for me to take a bath. Only happens during weekdays. Binilisan ko na lang magbihis at mag-ayos para makaabot sa flag ceremony, worse, sa Panatang Makabayan na.
Lumabas ako ng bahay ng 7:10 A.M. at nag-abang ng tricycle sa may kanto. Mga walang tricycle na iyong dumaan sa harapan ko ngunit wala pa ring nagsasakay sa akin kahit isa man lang. Ano ba namang buhay ito!
After a minute, may tumigil na karag-karag na tricycle. Apat na ang nakasay at occupied na lahat ng seats except sa maliit na upuan sa sidecar sa tabi ng driver.
"Sakay ka, dalaga?" tanong ng matandang driver na medyo tinubuan na ng puting buhok ang ulo. Napatunganga muna ako sa sitwasyon ng tricycle.
Seryoso po kayo, manong? Kanina pa ako nakatayo rito eh. Wala lang trip ko lang po yatang pumwesto dito? Muntikan na akong mapa-roll eyes pero pinigilan ko. Ang malas nga naman.
Napansin kong nakatingin na sa akin lahat ng pasahero kaya tumango na lang ako at sumakay. As if may choice pa ako. Hindi na ako mag-iinarte sa lagay na ito.
Ten minutes ang aabutin simula bahay hanggang school. Ang sakit sakit na ng likod ko dito sa maliit na upuan tapos itong tricycle ni manong driver makakarating pa yata next school year. Magkakaroon pa yata ako ng scoliosis dito.
Pagkatigil ng napakabilis na tricycle na sinakyan ko sa harap ng school, tumakbo na ako kaagad papasok ng malaking gate. Nang makarating ako sa assembly area, nakita ko iyong students na naglalakad na papunta sa kanilang mga classroom.
Bihira ko lang talagang maabutan ang morning praise at flag ceremony. Ang tawag dun ay isang malaking himala kung sakali mang maabutan ko.
Hinabol ko yung mga kaklase kong patungo na sa malaking U building kung saan naroon ang classrooms. Umagang-umaga pagod na agad ako. Malawak pa man din ang school. Whatever, it's just my normal weekday morning.
"Late ka na naman, Ernesthine Dale Belisario," bungad sa akin ni Des habang papasok kami ng Room 101 sabay ayos sa buhok ko.
"Kailangan talagang sabihin buong pangalan, Des?"
"Araw-araw ka nga palang late. Hindi ka talaga kayang hintayin ng flag ceremony." Dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Spaces and Letters [on-going]
RomanceSaan nga ba ito nagsimula? Oo nga pala. Natatandaan mo pa ba kung paano tayo pinagtagpo ng mga espasyo at letra? spaces x letters x spaces x letters