three

3 0 0
                                    

[1 new message received]
From: R
5:47pm

Nakauwi kna?
-

[message sent]
To: R
5:48pm

Pauwi pa lang. You?
-

[1 new message received]
From: R
5:50pm

Di pa. Ingat ka
-

Kahit naman mag-ingat ako kung hindi naman maingat yung tricycle driver at malasin sa pagmamaneho niya.. Eh wala rin akong magagawa kung gusto niya kaming ibangga at madisgrasya kami rito sa daan.

R is not my boyfriend...yet. He started courting me the past few months. I am still wondering until now why he does.

We're not studying in the same school, he lives somewhere in Manila and I live in the province. We keep in touch kahit hanggang text and calls lang ang communication.  Kaso ang tamad niyang makipagusap. Akala mo kung sino! Ewan ko sa kanya. Siya na nga itong nanliligaw eh. And of course, I will play hard to get because I am not that easy to get, my friend.

Ano siya sinuswerte? No, no, no.
By the hair of my chinny chin chin, pahihirapan ko lang muna kaunti baka sabihin niya mabilis akong makuha ng ganoon na lang.

It is another tiring day. Nahirapan pa akong sumakay dahil umuulan. Napatunganga na lang ako sa pintuan ng sinasakyan ko tricycle pauwi ng bahay habang medyo nababasa na ng ulan.

"Heto po bayad," inabot ko yung twenty pesos kay manong driver nang makarating na kami sa tapat ng bahay.

"Hindi ba trenta, dalaga? Umuulan kasi e." Reklamo ng driver at nagkamot ng ulo. Mukha namang edad bente singko pataas si kuya at kayang kaya pang maghanap buhay tapos sinisingil ako ng ganoong kalaking pamasahe.

Anak ng puting tupa oh! Kapag umuulan ba lumalayo rin ba ng ilang kilometro yung bahay namin, kuya? I tried my best not to roll my eyes.

Nag-abot na lang ako ng dagdag na ten pesos para wala ng gulo. Baka lumabas pa sa telebisyon itong si manong driver na tadtad ng saksak eh. Pero ang overpriced ha!

Tumakbo ako papasok ng bahay. Medyo nabasa yung uniform at itim kong sapatos, but at least my stuff are safe inside my blue and pink Jansport. Dumiretso ako sa loob ng aking kwarto at inilapag ang bag sa ibabaw ng kama. Well, my bedroom has pink pastel walls and has a pretty wooden shelf filled with books. Ah! There is no place like my bedroom.

I feel my cellphone vibrate inside my pocket.

[1 new message received]
From: 09xxx
6:11pm

gd evening
-

I sigh in annoyance. I just ignore the message and take a shower. After kong magpalit, humilata muna ako sa kama at tinitigan yung ceiling. After a few minutes, inabot ko yung phone ko sa may gilid ng kama.

[message sent]
To: 09xxx
6:32pm

Ang kulit mo, stranger

Spaces and Letters [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon