May 19**Tahimik na nahihimbing at nagpapahinga ang mga sekyu na nagbabantay sa gate ng Hacienda Dremizia ng may nakapasok na dalawang kahina-hinalang mga lalake sa loob ng hindi nila namamalayan sa labis na pagod sa magdamagang pagbabantay at pagtatrabaho sa ilalim ng mainit na panahon.
Habang maingat na iniiwasan ng mga kahina-hinalang lalake ang mga tagabantay na nakapalibot sa buong mansion na pagmamay-ari ng mga Dremizia. Ngunit kahit anong ingat ay may isang boy ng pamilya ang nakapansin sa mga kalalakihan na tatawag na sana ng tulong ng bigla siyang suntukin ng malakas dahilan upang mawalan ito ng malay.
Patuloy pa rin sa paglakad ang kalalakihan hanggang sa marating ang isang sulok ng mansion na walang masyadong tao pero sapat na para paglagyan ng inuutos sa kanila na tiyak tutusta ng buhay sa mga nakatira sa mansyon na iyon. Mabilis ngunit may halong pag iingat na inilagay nila ang bomba at mabilis na sinet ang timer. Unti unti silang napangisi ngunit nang biglang may makaaninag sa kanila atsaka sila mabilis na tumakbo paalis hanggang sa tuluyan na silang nakalabas ng hacienda at natakasan ang tagabantay na humahabol sa kanila.
Binalewala ng mga tagabantay ang mga kahina-hinalang mga kalalakihan ng akalain nilang mga bandido lamang ang mga ito at nang makumpirang walang nawalang gamit ay di na nila ito pinagtuunan ng pansin maliban ng isang binatilyong kanina pa tahimik na nakamasid sa mga lalakeng nakapasok nang sundan ang amang pinatulog ng mga ito.
"Ano naman kaya itu?" Nagtatakang nilapitan niya ang pinaglagakan ng kung ano man ang iniwan ng mga 'lalake' ngunit panggigilalas niya ng matukoy kung ano nga iyon. "BOMBA!"
Mabilis na tinawag niya ang pansin ng mga tagabantay na di siya pinansin at sineryoso na labis niyang ikinainis dahil kulang lang daw siya sa tulog at baka nagdidileryo lang daw siya.
Wala na siyang ibang nagawa kundi ang gisingin ang kapatid ng ama niya na may kaalaman ukol sa bomba. "Uncle...uncle..."
"Bakit ba? Hinahanap mo na naman ba ang tatay mo? Baka nasa labas lang yon, jay." At pabalik na sana ito sa pagtulog ng gisingin na naman niya ito. "Uncle naman eh...gising ka muna kasi may bomba po sa labas."
At doon na nga tuluyang nagising ang diwa ng kanyang uncle at mabilis na pinag impake at ginising ang iba pang nasa loob ng kwarto ng hindi sinasabi kung bakit. "Nasaan?"
Nang tuluyang mapalaabas at mapaalis ang mga kapwa kasambahay at manggagawa sa Hacienda ay mabilis na pinuntahan ang bomba na may dalawang minuto nalang ang natirira. "Langya! Bat ngayon mo lang sinabi kung kailan ilang minuto nalang at sasabog na itu!"
"Uncle naman eh. Bilisan mo na jan..." Kinakabahang saad ng binata sa kanyang uncle na wala naman ibang magawa kundi patigilin ang oras ng pagsabog.
Ilang minuto makaraan...
"Uncle. Ilang segundo nalang....uncle!" Naghihimayaw na sa kaba ang nararamdaman ng binatilyo sa ginagawa ng kanyang uncle na pilit iniignora ang kanyang panggagambala. "Tahimik!"
"Four...three...two...one...click"
"Wooosh. Salamat at natigil ko rin." Nakahinga ng maluwag ang binatilyo ng sabihin iyon ng uncle ngunit di pa nga nagtatagal ay marinig silang pagsabog mula sa east wing ng kabahayan na mabilis na pinagsimulan ng apoy na agad na kumalat ng paunti unti sa buong kabahayan. "Sina Señora at Señor! Bilis!"
Mabilis na narating nila ang kwarto ng mga amo na agad naman nilang inakay papalabas kasama ang mga anak nito. Nang nasa labas na sila ng nasusunog na mansion ay doon lamang naalala ng Ginang ang,"Sina Sapphire at Emerald! Clarkson, ang mga anak natin! Nasaan na sila!? SAPPHIRE! EMERALD!"
Naghihistirika na ang Ginang na di pa rin mapakalma habang wala sa sariling sinugod ng binatilyo ang nasusunog na mansiyon at mabilis na tinakbo ang kwarto ng mga sanggol na nasa ikalawang palapag habang pilit na pinoprotektahan ang sarili mula sa usok hanggang sa matagpuan niya ang dalawang umiiyak na sanggol. Di na siya nagatubili pa at agad niyang inakay sa kanyang mga braso ang kambal at dali daling pumanaog sa mansyong unti unti ng nilalamon ng apoy.
"Mga anak ko!" Iyon agad ang bungad ng Ginang ng maiabot ng binata ang mga sanggol na iyak pa rin ng iyak hanggang sa biglang..."Jay!"
Nahimatay ang binatilyo dahil sa dami ng usok na nasinghot ng kanyang iniligtas ang mga bata sa kapahamakan.
Ilang araw makalipas...
"Hmm.." Mahinang ungol ng binatilyo ng maramdaman ang sakit ng kanyang mga kalamnan at ang panunuyot ng kanyang lalamunan ngunit ng pilit niyang igising ang mga mata ay nasilaw siya sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang silid. "Gising ka na pala."
Mabilis siyang napabangon ng marinig ang boses ng kanyang inay ng biglang sumakit anh kanyang likod at mga kasu-kasuan na ikinabuntong hininga lang ng kanyang ina.
Isang malakas na suntok sa braso ang pinakawalan ng kanyang ina na ikinaray niya lang na di naman pinansin ng huli. "Nay naman eh!"
"Sino naman kasi may sabi na magpakabayani ka dun! Ayan tuloy naospital ka pa. Magiisang linggo ka ng nakaconfine kung di mo lang alam. Saan naman tayo kukuha ng pambayad sa mga bayarin dito sa hospital. Buti sana kung ikaw lang eh pati din ang ama mo." Naiinis na sumbat ng kanyang inay na di niya nalang pinansin at dinibdib kasi alam niyang labis lang itong nag-aalala sa kanya. "Labyu 'nay."
"Heh! Labyu labyu ka jan. Ipatapon kita jan eh. Naku naku. Saan na naman tayo hahanap ng mga pambayad sa inyo ng tatay mo. Magkakautang na naman tayo. Kung kailan unti unti na nating nababayaran mga utang natin." Nababahalang nagpapabalik balik sa kakalakad ang ginang ng biglang may kumatok na agad din namang pumasok. "Madam C! Anong ginagawa niyo po dito?"
"Gusto ko lang sanang magpasalamat sa ginawa ng anak mo. Sa pagligtas sa mga anak ko at pasensya na din kasi nadamay pa kayo sa mga nangyare." Paghinging paumanhin ng Señora sa kanila na tipid na ikinangiti lang ng huli. "Naku wala po iyon Madam. As long as healthy at safe ang mga anak niyo at kayo then masaya na po kami para sa inyo."
Ngunit agad na naputol ang kanilang pagkukwentuhan ng mabilis na pumasok ang duguan at nanghihinang katiwala na siyang nagbabantay sa kambal. "Madam. Pasensya na po pero malakas po sila. Nakuha po nila sila Sapphire at Emerald."
****************************************************************************************
Magandang araw mga kahigala. Hope you enjoy this chapter and sana tutukan niyo po ito at suportahan.. Love lots💕
BINABASA MO ANG
how far love can go?
Ficção Adolescente"Loving him was never easy and it even meant to completely give him up to that someone who could truly makes him happy in spite of everything that they've been through. Unfortunately, it wasn't me." - C