CHAPTER NINE: WHAT'S WRONG WITH THIS GIRL?! (side story)

33 2 0
                                    

(Philip's POV)

"Lee, are you sure of what you are going to do?"

I've received a call from Xander Lee at this very moment. Huwag na kayong magtaka kasi we always have a communication. Sa akin siya nag-uupdate sa mga nangyayari dito sa Pilipinas lalo na't may kinalaman kay Cassandra Leigh. Ganyan siya ka-adik sa bestfriend niya.

"Yes, of course. Nakabook na 'yong flight ko pabalik sa Pilipinas. I need to be there when you will celebrating your third anniversary. At isa pa, Dad already gave me freedom."

"At sa tingin mo ano ang magiging reaksyon ni Leigh kapag nakita ka? Alam mo namang abot hanggang langit ang galit sa'yo ng tao ehh."

"Don't worry, I'll work on it. Gusto ko na din bumalik sa banda, namimiss ko ng kumanta. Alam mo ba buong buhay ko dito, halos mga papers na lang kaharap ko."

"Okay. Do you need to show-up on that day? Baka magiging bulilyaso ang celebration namin ha?"

"I'll behave dude. And I know how professional Cass is. Hindi 'yon basta-basta magwawalk-out just because I've showed up. And I'm sure of that."

"Okay, so see you soon and don't worry. I'lll still look into Leigh."

"Thank you. Goodbye Philip."

"Bye and ingat sa biyahe."

Hanep talaga itong si Lee, ang taas ng guts na magpakita uli. Timing din naman na third anniversary namin. I'm a little bit worry sa mangyayari on that day. Come what may na lang siguro.  Wala din namang kasalanan si Lee sa biglaang pag-alis niya two years ago. Kung ako ang nasa lugar niya siguadong pipiliin ko muna ang pamilya ko. Kaya nga din tinago ko na lang sa grupo na alam ko ang papintong pag-alis niya noon.

MESSAGE RECEIVED..

Ang ganda na sana ng pag-eemote ko dito kaso biglang dumating ang isang text message.

In-open ko ang message at. . .

BOOOOM!

► Hi! Good Afternoon Philip.

Kumusta na? May gig ba kayo mamaya? Pwedeng magpunta?

Si Sheena na naman. Parang ewan talaga ang babaeng ito. Palaging nagtetext. Hindi talaga napapagod sa pagtetext kahit hindi ko naman narereplayan. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at nagkagusto siya ng sobra-sobra. Alam ko namang gwapo ako kaso hindi naman ako nagpapakita ng anumang motibo na gusto ko siya.

***

a/n: Sino ang gwapo Philip? Aba't lakas 'ata na appeal na taong ito.

See, andito na naman ang comment portion ko. Masanay na po kayo...

***

Minsan nga umaabot na sa puntong naiinis ako dito. Kababaeng tao, vocal na vocal sa feelings niya towards me. Natanong ko nga kung bakit nagkaroon ng ganitong pinsan si Leigh.

Uhoyyyy.  (-.-)

MESSAGE RECEIVED....

►I failed a spelling test 'cause teacher asked me how to spell the word INSPIRATION

unfortunately, I spelled your NAME.

Hello there. I'm here! :)

~~'

"What's wrong with this girl?! Isang napakalaking EWAN nga naman."

Dineadma ko na lang text niya at hindi nagreply. Baka kasi lumaki 'yong liver niya, delikado. Pero sinave ko naman 'yong message niya. Magagamit ko rin ito someday para pick-up lines sa taong espesyal sa akin.

Will You Wait For Me? (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon