Message ni author:
Sorry kung medjo natagalan ang UD ko, ngayon ko lang naisipang magtype ulit. Gumalaw na naman kasi ang mga wild imaginations ko. Merry Christmas sa lahat :D (.
Enjoy reading this chapter. Kahamsamnida! Thank you.
Cassandra’s POV
Ilang araw na ang nagdaan matapos ang outing ng grupo at ilang araw ko na ding hindi nakikita si Xander.
No text.
Walang punta sa gig.
Wala sa mga practices namin.
Talagang as in WALA.
Ano kaya ang nangyari sa lalaking iyon?
Erase. Erase. Erase.
I should not be thinking of it. Mabuti na nga lang at wala ng alipores ang sumusunod-sunod sa akin.
“Haaaaaayyy,” napabuntong-hininga na lamang ako habang nakaupo sa swivel chair sa office.
“Mukhang malaki-laki ang problema natin ngayon ah. Care to share?” hindi ko na namalayan ang pagpasok ni Sheena sa loob ng office ko.
“Problema? Bakit naman ako magkakaroon ng problema? Do you want one? Baka gusto mo.”
“Problema? No thanks. May problema pa ako sa lovelife, please huwag mo ng dagdagan pa. Ako po’y nahihirapan na pero kung feel mong tulungan ako, abay syempre ayos na ayos yon!”
“Problema sa lovelife? Pwes I’m sorry hindi kita matututulungan sapagkat ako ay may mga problema din sa ganyang bagay.”
“IKAW? Namomroblema sa lovelife? Kailan pa? parang nagtatakang tanong sa akin ni Sheena habang umuupo siya sa harapan ko.
“Simula ng bumalik si Xander sa Pilipinas.”
“Hay salamat, sa tinagal-tagal ay umamin ka na din. Owww, let the love begin. Susuportahan kita anuman ang desisyon mo.”
Teka.
Wait.
Umaamin?!
Ako?!
Ito ba ang nangyayari kapag namimiss mo ang isang tao.
REWIND PLEASE. . .
~~~~~~~~
A/N: Hindi na pwede Cassandra sapagkat nasabi mo na. Ayan, umamin ka din saw akas. Magkakaroon na ako ng chance na sumulat ng totoong love story ninyo ni Xander.
~~~~~~~
Naputol ang usapan naming ni Sheena ng may matanggap ako na tawag. Kinuha ko ang isa kong phone sa loob ng aking bag. And Phillip’s name flashes on the screen. Ano na naman kaya ang problema ng taong ito.
“Hello.”
“Leigh? What are you doing right there?”
“Ha? Nothing. Nakikipag-usap kay Sheena. Bakit? What’s the matter.”
“I hate to give you the news but Xander is on his way sa airport. Mukhang aalis na naman siya ng bansa.”
“Si Xander? Airport? ANONG KALOKOHAN NA NAMAN ITO?!”
“Sa tingin mo ba may time pa akong magjoke sa mga oras na ito. You know me Leigh. I am not fun of joking around and you already know that I am a serious type of person.”
Agad kong nabitiwan ang hinahawakan kong phone. For the second time around, gagawin na naman ni Xander ang pag-iwan sa akin. Ito ba ang ibig sabihin ng pahayag na “I want to stop chasing?!”

BINABASA MO ANG
Will You Wait For Me? (on going)
Roman pour AdolescentsThey say that time heals everything. It is somehow true... but the pain in the past will always leave a scar. A scar that will make you think each day if what were the wrong things you have done. or were you deserving to have it..? ---- What if som...