Esdeth Mariz Tipolo

7 0 0
                                    

" Number 400 Esdeth Mariz Tipolo " sigaw ni Ateng security guard. At tama nga ang narinig ko, nasa ika-400 ako out of 500 students na nakapasok sa Samaritan Royal University. Sobrang swerte ko na nga kung tutuosin kasi pinalad ako na makapasa kahit sobrang bobo ko.

Yup! Bobo ako bes! Aminado naman ako. Kahit bobo ako ay alam ko naman na isang brain cell na lamang ang nag aagaw buhay sa utak ko.

So, magiging proud pa din naman sina Mama at Papa once na malaman nilang nakapasa ako. Sa totoo lang pinag hirapan ko din ang examination na yum talaga. Dalawang buwan ko yung pinag handaan.

Lahat na yata nang hacks sa Youtube ay sinunod ko, para lang sana hindi ko makalimutan mga inaral ko.

Stepping stone kasi yun diba? DIBA? hehe. Hayaan mo Mariz, tatalino ka rin! Hindi nga lang sa ngayon siyempre, sipagin muna tayong maging tamad minsan.

Napa-upo na lang ako sa may bench dito sa may Basketball Court. Nagbibilang nang magiging inspiration ko sa pag- aaral.

⊙_⊙ !!!!!

Napaka gwapo naman nung number 6 na yun! My gulay ni bukangliwayway! Ako po ay naglalaway!

ヽ('∀`)ノ !!!!

ヾ(〃^∇^)ノ !!!!

Sinusundan ko mga takbo niya! Habang nakangiti. Goooo number 6! Para sa akin ikaw ang number one!

'' Hoy Mariz! Sinong tinitignan mo riyan?! Ha?! '', narinig ko na naman yung parang walang bukas na sigaw ni Reemey.

Automatic na yung dalawa kong hintuturo na pumasok sa dalawang tenga ko. Hindi na naman kasi ako titigilan nito eh.

" Si number 6 lang!!! ", lapit sa tenga niyang sigaw ko rin sabay balik ang mata kay Number 6.

" Ayy si Zanis Earl Matias ba? " mahinahon niyang sabi kong kaya't nilingon ko siya at nagtakang pinagmasdan kahit ang kanyang pag upo sa tabi ko.

'' Kilala mo siya? '', tanong ko na ikinagulat niya ngunit agad ding binawe ito kasama nang isang matabang na tawa.

Yes.. Walang asin chaar!

" Malamang! Famous kaya yan dito. Sa Social Media din! Vlogger pa nga yan eh, damimg followers sa lahat nang platform sa social media. Bukod sa gwapo, hot, ay sobrang yaman naman talaga nila. Alam mo yung Mall dun malapit sa kinuha nating apartment? Sa kanila yun. " pagpapatuloy ni Reemey na talaga namang ikinagulat ko. Pati nang atay ko. Nagpapalakpakan pa mga apdo ko at balunbalunan sa sobramg gulat.

" Teka! Legit? " paninigurado ko sabay turo sa direksyon ni Number 6 na ngayon ay kakatapos lamg din nang kanilang laro.

" Hoy! Baliw! Wag mo ituro!'', binaba niya kamay ko at humingang malalim
" Legit nga. Kaya wag na wag mong lalapitan yan, para hindi na magambala buhay mo "

(◐.̃◐) ??

" Anong sinasabi mo? Papatayin niya ako ganern? " nagtataka kong sabay at muling ibinalik kay Number 6 ang aking panangin.

" Hindi naman. Pero bibigyan ka niya nang pain na hihilingin mong sana ay pinatay ka na lang ", lumingon siya at mapait akong nginitian.

Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Bakit Reemey?

Pwede mo bang sabihin??

-----

Hanggang sa pag-uwi ko, hindi pa rin mawala sa isip ko yung weird na sinabi sa akin ni Reemey sa akin. Sabi nang teacher ko kunting analyze lang daw yun eh.

BINIBINITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon