Reemey Francine Toledo

1 0 0
                                    

REEMEY'S POV

Nasa canteen kami. Hindi naman kasi kami nakapagbaon nang pagkaen. Pang mayamang paaralan kaya ito. Hindi naman kami sobrang dukha. Pero bes baka mamaya ma-bully kami dito. Alam mo yun?

Ako nga pala si Reemey Francine Toledo. 18 years old. Pag naging close tayo ayaw mong maingay ako.

Pero mas ayaw mo kapag tumahimik ako.

Legit??

Legit ¯\_(ツ)_/¯

Iginala ko ang panangin ko at naagaw nang pansin ko ang isang lalaking mukhang binubully.

Kawawa ampota.

Tatayo na sana ako pero may humila nang blouse ko.

" Oh! Hindi ikaw si Cardo, susugod ka pa eh. Hayaan mo yan. Minsan kailangan natin manahimik para hindi tayo madamay. Pumunta tayo dito para mag-aral hindi oara maging superhero '', paalala ni Esdeth sa akin.

Umupo ako ulit at pinagmasdan ang lalaki na puno na nang ketchup ang ulo.

Hindi ko alam kong pa-paano ako nakarating agad sa kinaru-roonan nila upang masalo nang palad ko ang paparating na kamao sa mukha nang nerd na ito.

" Hindi ako nananakit nang babae kaya kung pwede wag ka na makisali. Ayuko pa.naman sa bida-bida ", pagbasag ni Kuyang Supervillain sa katahimikan.

Alam kong nagulat siya siya sa ginawa ko. Nakita kong nagsitayuan na sila Esdeth at ibang kasama nina Six at saka lumapit sa amin.

" Kung ayaw mo sa bida-bida so ayaw mo din sa sarili mo? " , sabi ko sa kanya at sa pagkakataong ito ay mas dumidiin ang kamao niya sa palad ko.

" Freshmen ha? Hindi mo yata kilala binabangga mo ", kalmado niyang sabi.

" Hindi ko talaga kilala dahil sa pagkakaalala ko wala naman akong binangga ",

Napangisi siya at saka hinalbot ang ID ko.

Pota ang sakit gago!

Napatid yung ID Lace ko at saka niya ito itinaas sa ere.

" Akin na muna ito. Titignan ko kong hanggang saan ang tapang mo para mabawi ito sakin Miss- ", pansamantala siyang tumigil at tinignan ang ID ko. " Miss Reemey Francine Toledo, ang ganda naman nang apelyido mo. Toledo HAHHAA! Ang baho pakinggan HAHAH! '', pang aasar niya sa akin.

Well sanay na ako Highschool palang ako hindi na nawalan nang mga ganto.

" Panget ba? ", sabi ko sa kanya at agad siyang nginitian. Nakita kong nag face palm si Esdeth sa peripheral ko.

Sobrang confused nang mukha niya nang nginitian ko siya.

" Woy..'', tawag ko sa kanya nang mahinahon. Nakangiti pa rin akong nakatingin sa kanya. " Panget ba talaga apelyido ko? "

'' O-oo! A-ampanget! Kasing pangit nang ngiti m-mo! ", sabat niya sa akin.

" Ano ba apelyido mo? '' , tanong ko sa kanya.

'' HAH! ", maangas niyang asta at agad inilabas ang ID niya sa bag. " Oh ayan na po! Pakibasa marunong ka naman yata, mukha lang hindi "

Hinawakan ko ang ID niya at sinadyang sagiin ang kamay niya

Xeniel Yakimura

" So panget ba talaga apelyido ko? ", ulit ko sa kanya. Habang hawak pa rin ang ID niya. May ngiti pa rin sa mukha ko at nakikita kong pinag aaralan niya ang mukha ko.

BINIBINITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon