Reemey's Pov
Pagpasok pa lang ni Xeniel sa loob nang bahay namin ay napansin ko ang tensyon sa kanyang mga mata.
" Maupo ka, pag hahanda kitang agahan" , masigla kong hatak nang upuan sa dining area.
Hindi siya nagsalita at nakatitig sa mga mata ko. Ilang segundo palang ang lumipas at sumunod agad siya.
Pancake with yema spread ang favorite niya.
Alam kong nagtataka kayo pero madami na akong alam tungkol kay Xeniel.
Saka ko na ikukwento. Sa ngayon, hayaan nating makita ang magiging reaksyon niya once na nilagay ko na ito sa harap niya.
Nag nilagyan ko nang bacon at olives.
Nahuhuli ko siyang sinusulyapan ako. Marahil ay nagtataka siya kung bakit ko siya pinaglulutuan ngayon.
Nakangiti kong sinalubong ang kanyang tingin at saka inilapag ang pinggan na naglalaman nang kanyang paboritong agahan.
" P-paano mo n-nalaman na gusto ko i-ito '', nagulat niyang sabi habang tinuturo ang pancake na nasa harap niya
" Ganun ba? Hindi ko alam na gusto mo yan, ang alam ko lang paborito ko yan. Akalain mo yun? Madami tayong parehas na gusto? Ehhee kumaen ka na mahal. Gusto ko sana nang fresh milk eh kasi naubosan kami eh. Gusto mo din ba nun? "
Umiling-iling siya na parang bata at saka isinubo ang pancake na ngayon ay minurder na nang tinidor niya.
" Thats my hatest thing in the whole damn world. But this one is my fave meal in the morning. Kumakain lang ako kapag ito ang agahan. Other than that? Wala na "
Napangiti ako at saka itinulak ang fresh orange juice sa harap niya.
" Ayuko nito. Sayo na lang "sabi ko sa kanya.
Alam kong paborito niya ang orange juice sa umaga. Actually parehas naming gusto ito.
" Bakit naman ayaw mo sa orange juice? Masarap kaya ito sa umaga. Sabi ni Mom na okay tu sa umaga kasi may vitamins ito" sabi niya at saka uminom.
" Kamusta lasa? Lasang kamay ba? " pangbibiro ko sa kanya na siya namang kinabago nang itsura niya.
" Joke lang. Sige na kainin mo na yan "" P-paano ka? H-hindi ka nagugutom? Hindi ba sabi mo paborito mo itong p-pancake? "
" Edi sa akin mo ibigay huling subo"
Namula ang mukha niya saka madaling kinain ang pangalawa sa huling parte nang pancake na minurder nang tiridor niya.
At saka dahan dahang tinusok ang huling part para isubo sa akin.
" May hindi ba ako nalalaman sa inyong dalawa? ", kagigising na bungad ni Esdeth na ngayon ay palit-palit ang tingin sa aming dalawa.
Nakahalukipkip na pinagmamasdan kami.
" W-wala. A-no k-kasi pinapasok niya a-ako..uuwi na d-dapat ako e-eh "
Ngumite ako at hinawakan ang kamay niyang may hawak pang tinidor.
" Gusto mo na ba talagang umuwi? " tanong ko sa kanya.
Tumango siya at agad na tumayo at kinuha ang bag niya sa sofa.
" Pasensiya na sa abala. S-salamat sa mesyo m-masarap na pancake "nakasmirk niyang sabi
" Kasi ako yung mas masarap diba? "
" Oo. H-ha? A-ano s-sabi ko?! " nagulat niyang turan.
" Umuwi ka na palaboy!! " sigaw ni Esdeth sa kanya
" H-hoy! Hindi ako palaboy! Mas mayaman ako sayo! Kaya kong bilhin tung buong subdivision! "
" Wala ka ngang bahay! Buong subdivision pa?! "
" May bahay ako! Uuwi na nga ako! Sige na Reemey uuwi na ako! Paki sabi sa bwesit na dwende na yan na muka siyang kutsara! Malaki ulo! "
Nag walk-out na si Kuya. Soooo? Ayun! Galit na galit si Esdeth. Isang oras niya akong dinaldalan.
" Kupal na yun?! Tawagin ba naman akong kutsara? Tapos duwende pa? Nababaliw na ba siya? Bulag ba siya? Sa sobrang ganda ko tatawagin lang akong ganun? Ha?! Bwesit na palaboy na yan! "
Anong magagawa ko? Ganun naman talaga sila parehas.
Hindi ko dapat ito maramdaman pero parang bumabalik na naman yung dati kong nararamdaman para sa kanya.
Na dapat ay matagal ko ng kinalimutan.
Please.. Just give me a lil bit more time to enjoy this feeling..
BINABASA MO ANG
BINIBINI
Roman pour Adolescents" Ikaw yung klase nang pagkakamali na hindi ko itatama. Na uulit-ulitin ko. "