ESDETH'S POV
Linggo ngayon. Last day ko dito sa bahay. Hinimas-himas ko yung desk na ginawa mismo ni Papa nung tumapak ako ng High School. Hindi ko kasi pwede ito madala. Mawawalan na ng laman ang kwarto ko.
Pink wallpaper. Gray curtain.
Alam kong wala kayong pake pero nasa abroad ang Papa. Umuuwi siya every year. Matagal pero sulit.
Si Kuya Uno naman nag-aaral sa malayong university.
At alam niyo anong pinaka nakakalungkot dun?
Mag-isa na lang si Mama ngayon sa bahay.
Sabi ko sa kanya na mag-uuwian na lang ako. Pero dahil nga hindi ako magising-gising ng maaga mas pinili ni Mama na mag rent ako nang apartment. Para din daw matuto ako mag-isa.
Dahil hindi ko daw makakasama si Mama habang buhay.
Inilibot ko ang mga mata sa buong kabuuan nang silid.
Mamimiss ko ito. Mamimiss ko yung isang space na alam kong pagmamay-ari ko.
----
'' Esdeth baka naman makalimutan mo Anak mag-laba ha? Pag hubad mo nang panty mo, paki kusutan naman at ito may sipitan akong dinala para sa iyo ", sabi ni Mama hawak ang isang basket na may lamang mga hanger.
" Opo Ma, hindi po ko kakalimutan '', sabi ko habang maayos na sinasalansan sa loob nang closet dito sa bago kong kwarto yung mga damit na pinabaon sa akin ni Mama
" Oh Esdeth baka naman si Reemey lang yung laging nakatoka sa paghuhugas nang mga pinggan ah? Matuto kang tumulong anak, wag mong hayaang mapagod yung mga taong hindi nagsasawang gawan ka nang mabuti. "
" Opo Ma, hindi ko po yan kakalimutan ", muli kong sagot at saka lumipat sa kusina upang ikabit ang gasul sa stove.
Tinuruan ako ni Kuya Seven sa mga basic-basic na mga gawaing panlalaki sa bahay. Gaya nang pag aayos nang ilaw, nang mga saksakan. Gripo. Antenna. Pati nga yung barado na lababo eh. Tsaka tagas sa tubo.
'' Esdeth wag mo basta tandaan lang, gawin mo yung sinasabi ko '',
Sinipat ko siya at nakita kong inaayos niya yung mga kurtina sa sala.
" Hindi mo na ba ako lab nun Ma pag hindi ko ginawa? ", pang-aaning ko kunware sa kanya.
" Mahal siyempre, pero wag sasama loob mo pag wala kang allowance nang isang buwan "
(。ŏ_ŏ) !!!
---
* K I N A B U K A S A N *
📞Incoming Call
MAMA'' Esdeth gumising ka na! Alas siete na! First day of school mali-late ka? Bumangon ka na diyan! May tocino sa ref mag prito ka! " sigaw ni Mama sa tawag.
Sinipat ko ang wall clock at nakita kong alas singko pa lang. Alas otso kasi yung pasok ko. Tapos siyempre hahanapin pa namin ni Reemey yung building at room.
Pagkababa ko ay naamoy ko na ang mabangong sinangag.
Mukang may masipag na nagluto ah.
" Magandang umaga! ", masigla kong bati kay Reemey na ngayon ay masigla din akong sinuklian nang ngiti.
Nag presinta ako na mag aayos nang lamesa.
'' Grabeh! Parang dati lang nuh? Ayaw tayong palabasin nang bahay, tapos ngayon ayaw na tayong pauwiim sa bahay hahaha! '', tumatawang sabi ni Reemey at ibinagsak ang sarili sa katapat kong silya.
BINABASA MO ANG
BINIBINI
Teen Fiction" Ikaw yung klase nang pagkakamali na hindi ko itatama. Na uulit-ulitin ko. "