XENIEL'S POV
Iniikot ikot ko ang susi nang kotse ko sa hintuturo ko.
She's beautiful.. Admit it Xeniel..
Napakamot ako nang ulo at saka humingang malalim.
Sobrang lakas nang tibok nang puso ko. Parang isusuka ko yung puso ko kanina sa sobrang kaba.
Yung ngiti niya. Pinapakalma ako.
Bakit ganun??
(。•́︿•̀。)
Ngayon lang ako ulit nakaramdam nang ganito ulit.
" BAKIT BA KASI GANITO KALAKAS YUNG DATING NANG MGA PINAGSASABI NIYA SA AKIN?! KAKAKILALA KO PA LANG NAMAN SA KUPAL NA YUN AH!! HINDI DAPAT PWEDENG MAHAL AGAD DIBA? O SIGE NA CRUSH KO NA SIYA! O SIGE NA INAAMIN KO NA MAGMULA PA KANINA DUN SA HINAHANAP NILA YUNG ROOM NIYA SINUSUNDAN KO NA SIYA. OO NA SIGE NA!!! ",
Nag browse ako sa Youtube para sana mabaling sa iba yung isip ko. Kaya lang habang nag sku-scroll down nakita ko ang trending na video na ako at si Reemey ang nasa thumbnail kakaupload lang ni Yumieh.
Schoolmate ko na drama queen.
'' See you tomorrow mahal "
(๏_๏)
WHAT THE HELL?!
" YUMMMMIIIEEEHHHHH!!! "
--
Maaga akong pumasok ngayon. Hindi ako nagdala nang sasakyan at napag desisyunang mag lakad na lamang. Maaga pa naman eh. Saka malapit lang naman subdivision namin sa school.
Alas sais pa naman. So i still have time to enjoy the environment.
Malamig ang hangin.
Madilim ang kalangitan.
Nagbabadya ang ulan.
At yup! Umaambon na
Napatigil ako sa tapat nang isang two storey na bahay.
Swerte walang aso. Makikisilong lang ako saglit.
Nasa may tapat ako nang bintana, katabi nang front door.
Muling naglakbay ang aking isip sa mga nangyare kahapon.
Iniwanan niya nang malaking marka sa utak ko kung ano nga ba ang ibig sabihin nang mga salitang binitawan niya kahapon.
Sinasalo nang palad ko ang iilan sa mga patak nang ulan at muling inisip ang napaka gandang ngiti na alam kong peke pero pinipilit kong kumbinsihin ang sarili kong totoo.
" Mahal? Ikaw bayan? Paano mo nalaman ang bahay ko? ''
Napalingon ako sa pintong kakabukas lamang at iniluwa ang babaing kanina ko pa iniisip.
Hindi ako nakapagsalita. Para siyang anghel na bumaba sa lupa.
Bakit? Ganito?
" Xeniel okay ka lang ba? " nag aalala niyang tanong. Nagbabadya siyang lumapit.
Hindi ako makagalaw. Gusto kong umatras mgunit buong sistema ko ay sang-ayun para salubungin ang mga mata niyang nagbibigay kasiyahan sa puso ko.
" W-wag k-kang lumapit, masasaktan k-ka pag lumapit ka s-sakin " tanging nasabi ko at nag iwas tingin.
Para akong malulusaw. Please stay away from me.
" Pero alam kong hindi mo ako sasaktan. Bakit ako matatakot lapitan ka? " nakangiti niyang salubong sa gulat kong mga mata at agad hinawakan ang mga kamay kong namumutla na sa sobrang lamig.
" Pasok ka. Suspended ang klase ngayon. May bagyo kasi. Dapat nanunuod ka nang news para alam mo at hindi ka na susugod. Sobrang tapang mo talaga " kunwari biro niya.
Napayuko ako.
May malunggay kasi siya sa ngipin
Ang cute
Hindi ko mapigilang mapangiti.
" HAHAHAHAHHAHAHAHAH! "
" HAHHAHAAHHAAHHAHAHA!!"
" HAHAHHAHAHAHAHAHAHAH!!"
Tawa ko habang nakahawak sa tiyan.
Alam kong nagtataka na siya ngayon
Pero kasi HAHAHAHAH!
" Hahahahhaa! Sorry tuledo pero kasi may malunggay ka sa ngipin HAHAHAH! "
Ngumiti siya. At mas nilakihan niya pa.
5
4
3
2
1
Limang segundo akong nabighani sa babaing ngayon ko lamang nakilala.
Bakit pakiramdam ko matagal na kitang kilala?
" Bakit ka huminto sa pagtawa? Gusto pa kita makitang tumawa "
Hindi ko maitago ang mga tanong na nadagdagan na naman.
Bakit mo ako ginaganito?
Anong kailangan mo?
Pera?
Fame?
Bakit ganito ako kaapektado?
Bakit?
" B-bakit ang bait mo s-sakin? " napayuko komg tanong. Sinipat ko anng tingin ang walang kulay niyang kuko at itim niyang tsinelas na ngayon ay basa na sa ulan.
" Kasi gusto ko. Ayaw mo ba akong maging mabait sayo? Ha? Mahal? "
" B-bakit kasi kailangan mo ako tawaging m-mahal? H-ha?! "
" Kesa naman murahin kita. Edi mahal na lang "
Napaangat ako nang tingin at nakita ko ang matamis niyang ngiti. Hindi ko maitindihan kong paano ko inabot ang mga kamay niya.
Marahil buong sistema ko ay sang-ayon na hawakan mo ako.
Marahil pati mga mata ko ay nais makitang kamay ko ay hawak mo.
Pati puso ko ay nais na maging sayo
Maging sayo lang..
BINABASA MO ANG
BINIBINI
Ficção Adolescente" Ikaw yung klase nang pagkakamali na hindi ko itatama. Na uulit-ulitin ko. "