Chapter 3

76 10 0
                                    

Chapter 3
Namjoon's POV

"Hyung uwi na ako sa dorm. Magrereview pa ako" paalam ko kay Jin at Suga hyung na kasalukuyang nag-uusap dito sa music room.

"Masyado ka naman atang good boy Joonie" pabirong sabi ni Jin-hyung samantalang si Suga-hyung nakaharap pa rin sa piano mukhang malalim ang iniisip.

"May problema ba Suga?" Mukhang hindi lang ako ang nakapansin na may problema siya. Lumingon lang siya sa amin atsaka ibinaba ulit ang tingin sa piano keys. Nagkatinginan lang kami ni Jin-hyung nagpaalam na ako atsaka lumabas ng music room.

Habang naglalakad ako palabas ng campus may napansin ako na isang babae na nakahilata sa sahig. Mukhang pamilyar hindi ko lang alam kung sino. Lumapit ako dito para makumpirma kung siya nga.

'Andwae!' Napamura na lang ako sa isip ko atsaka nilapitan ang walang malay niyang katawan.

"Avegail" Narinig ko kasing sinabi ni Yñigo yun kanina. Niyugyog ko siya nagbabaka-sakaling magising siya, marami din siyang pasa sa braso at leeg pati rin sa mukha pero hindi siya nagising kaya no choice ako kundi buhatin siya.

"Shoot" naalala ko wala pala akong kotse, wala akong choice kaya dinala ko na lang siya sa kotse ni Jin-hyung.

Tinawagan ko si Jin-hyung para bumaba agad sa parking lot. Ngayon ko lang din napansin na may dugo sa side ng ulo ni Avegail.

'Jin-hyung where the hell are you?!' Rinig ko ang mabilis na yapak ng mga paa. Nagulat ako ng binuksan agad ni Jin-hyung ang backseat.

"Ipasok mo na siya dun dali!" Ginawa ko ang sinabi niya.

*****

"Who's the guardian of Ms. Galvez?" Tanong ng doctor.

Mag-iisang oras na kami ni Jin-hyung dito sa hospital. Ineexamine kasi nila si Avegail.

"Kaibigan niya po kami" sabi ni Jin-hyung.

"Well, hindi naman kalala yung mga sugat niya and luckily nadala niyo siya agad dito sa hospital, at yung sa ulo niya hindi pa umabot sa loob nagkabukol lang at naitama kaya dumugo" paliwanag ni Doctora. Tumango lang kami ni Jin-hyung.

Avegail's POV

Nagmulat ako ng mata ko at ang una kong nakita ay ang puting kisame. Wait-- paano ako nakarating dito.

Napa-upo agad ako ng mapansing wala ako sa kwarto ko pero nahimasmasan din ng pumasok si—sino siya?.

"Oh, gising ka na pala. Here may dala akong soup para sayo" ngumiti lang ako sa kanya. Ang bait naman ni Kuyang gwapo. Bakit nga ba ako nandito sa hospital? Ano bang huling ginawa ko?

"Uh weird to say pero bakit ako nandito sa hospital?" Tanong ko sakanya.

"Wala kang maalala sa nangyari sa'yo?" Tanong niya. Ah. Jin, Jin ang pangalan niya. Siya yung isa pang kasama ni Labanos kaninang umaga. Hapon na ba?

"Magtatanong ba naman ako kung meron?" Pabiro kong sabi bigla naman siyang nagseryoso.
What? Biro lang naman ah. Kahit unting idea ba wala silang maibigay para maalala ko. Wala talagang pumasok sa isip ko e.

"Nakita ka daw ni Namjoon na nakahandusay sa floor malapit sa parking lot, ayun lang ang alam namin" kinuyom ko ang mga kamay ko ng maalala ko ang nangyare.

"Don't you ever try to talk and hurt Yoongi. Or else hindi lang yan ang makukuha mo"

"Ang kapal mo. Humanda ka sa akin" sigaw ko sa room na tinutuluyan ko ngayon wala akong pakielam kung nakaistorbo ako sa iba. Walangyang babae na yun, sino ba siya ni Yoongi para pagbantaan ako ng ganon. At Itulak ko kaya yung dalawang yun sa bangin. Hindi ko pa nakakalimutan ang pagbabato niya ng bato sa akin ha.!

So What || m.yg♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon